rashes
ano po kayang cause ng rashes ng baby ko sa muka nya, at pano po kaya ito matatanggal?
ganyan din baby ko. pinacheck up ko sa pedia kasi nakakaworry. niresetahan sya ng antihestamine drops, tapos momecort na pampahid. kaso di rin namen ginamit, nakakaawa din kasi, 1month palang si baby. cetaphil pala gamit ni baby then nilipat namen now sa Lactacyd baby, medyo nahiyang naman sya. now unti unti ng nawawala mga rashes nya, though may bumabalik parin. Sabi naman ng ilan natural lang daw sa baby yun at mwawala din.
Đọc thêmpacheck up niyo po mommy, baby ko po kung first month nag start mag ka rash sa diaper area tapos tumaas hanggang sa mukha na din. baka sa sabon na ginagamit pang laba ng damit nia, or sa sabon na pang ligo kay baby, kasi sensitive pa. nag bigay ng ointment pedia namin na anti rash, Elica ung name tapos Lactacyd baby wash kasi sensitive skin si baby. ibat ibang cases na possible kasi mommy kaya mas maganda mag pacheck up sa doctor
Đọc thêmHi ganyan din baby ko before days old palang lumabas na at lumala pa nong weeks old sobra din ako ng worry at na stress. Pina check up ko na sya sa pedia nong 2mos old, Baby acne daw yan, kusa naman mawawala pagdating ng 3mos pero binigyan pa rin ako ng pedia nia physiogel cream sobrang effective agad2 nawala kuminis na face ng baby ko. 3mos na sya ngayon going 4mos sa april 13. ☺
Đọc thêmbaka nmn po panay ang kiss nyo kay baby ksya nagkarashes madyado po kasi sensetive ang balat ng bata.try nyo mag init ng 1liter na tubig tapos lgyan nyo ng isang kutsaritang asin palamigin at ilagay sa malinis n lalagyan iapply sa mukha ni baby mga 3min ibabad tapos hilamusan ng malinis na tubig.effective po yan advice sakin ng pedia ni baby
Đọc thêmSa tingin ko po baby acne yan mamsh. Ganyan kc ung sa baby ko. Pinacheck ko sa pedia nya dati sbi nya un nga daw. Den mawawala din daw un few weeks after. Or around mga 4mos daw. Nawala naman ung sa baby ko,d muna sya pinapagamit ng mga scented na wash. Cetaphil ung nirecommend sa baby ko not cetaphil baby po.mas matapang kc sa skin.
Đọc thêmpcheck nyo n mun po bago mglagay ng khit ano cream baka imbis n gumaling lumalala po.. sobra senstive ng skin ng mga newborn.. wag ppahalikan muna at dapat malinis ang paligid po.. nagkaroon din ganyn niece ko, week old plng sya nun.. sinugod n agad nmin sa ospital buti naagapn po saknya kung di pwede po sya mapahamk tlga..
Đọc thêmi'm using baby cetaphil head and body wash and baby lotion sa whole body and face para moisture lagi si baby. minsan daw sabi ni pedia dry ang skin kaya may rashes ang baby. ginamit ko din tong frostike para sa eczema and ringworm ng 2 months old baby ko and super effective siya for my baby.
Breastfeeding ka po ba mamshie? Kung nagbbreastfed ka po baka po sa kinain mo or ininom. Naging ganyan din po baby ko pero mawawala din naman po kasama daw po yan sa paglaki nya ilang weeks palang din po baby ko nun nung nagkagnyan sya parang pimples. Wag nalang pong galawin baka ma infect. 😊
wag po basta gumamit ng kahit anong cream para sa baby. use your breastmilk. ipahid sa face patuyuin. 2x a day hanggang sa mawala. minsan mga nagkiss kay baby may balbas at bigote. pag madumi rin kamay at hinahawakan pisngi. kaya mainam hugasan ang mga kamay at hindi lang alcohol.
Minsan po sa paghalik yan sa pisngi ng baby pero, sa di po kayo maniwala ang ginamot ko nyan sa baby ko yung laway natin mga mom kada umaga nilalagay ko sa pisngi ung wala pang toothbrush, haka haka ng mga matanda yun, pero totoo 3 to 4 days tuyo na at wal na sa pisngi
first timer