Basahin nyo po ito Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? 🍼 Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. 🍼 Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. 🍼 HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang mature milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. 🍼 Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin 😂 Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? 🍼 After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build your milk stash, you can start pumping ng mas maaga. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! 😏💪🏻 🍼 Pwede kang magtake ng mga lactation aids or supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. 🍼 MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Always remember these: REMOVE MILK TO MAKE MORE MILK. MORE DEMAND, MORE SUPPLY. NURSE FREQUENTLY. PUMP REGULARLY. ♥️ #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH CTTO
Supplements can help but cannot guarantee milk supply. Ang tanging makakapagparami ng gatas ng ina ay ang palagiang pagdede ni baby sa kanya. Law of supply and demand.Gagawa ng gatas ang dede natin kapag may kumukuha ng gatas dito. Feed on demand palagi at hwag orasan.
unli latch po. pwede po kayo magtake ng malunggay supplements, mga baked lactation treats.