Rashes ni baby

Ano po kaya best na gamitin para mawala yung rashes ni baby girl ko.. 19 days old pa lang ang baby ko and nakikita ko na hindi sya comfortable. #advicepls #pleasehelp

Rashes ni baby
79 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mamsh di po talaga mgiging kompprtable si baby if gnyan sobrang hapdi po nyan try to change brand ng diaper po huggies un sakin nun 1yr ko siya hinuggies na diaper ksi nagtry ako mag EQ or mura brand nagkaganyan sya pinagalitan ako ng mama ko ibalik ko dw sa huggies ayun after 1 yr ko na sya chinange brand ng diaper. Try bili ka ointment po calmoseptine, drapolene or BL cream to ease un pamumula at hapdi mi baby. Lastly, check from time to time ang diaper po bawal po mababad masyado sa wiwi at pupu and pwet ni baby pra di magkaganyan. For pupu wag gagamit ng wipes na mumurahin much better wag na wipes, water at cotton nlng pang linis sa pwet nila di pa nman maamoy masyado yan mahirap ksi wipes lalo if hindi paraben free and magastos 😊😅 Guys wag po natin ipahiya un tao she's seeking help and advice hindi pra ipagdukdukan saknya ung mali wala naman napeperfect sa umpisa e lalo if first time mom nangangapa pa yan.

Đọc thêm
Thành viên VIP

anu po gamit nyong diaper kay baby??maigi po na palitan nyo use eq dry mommy o kahit anung brand na diaper basta po dry.😊 wag nyo gamitan c baby ng wipes kapag lilinisan nyo lalo na pag nagpoop kasi isa yn sa nag cocause ng rashes nya mainam po na WARM WATER AND COTTON gamitin nyo pra malinisan ng maayos iwas rashes pa. kawawa na pwet ni baby maigi po nyan patingin nyo na sa pedia for proper medication,pero kung ndi nyo mapatingin gawin nyo hugasan nyo po maayos gamit WARM WATER AT COTTON tapos applyan nyo po ng petroleum jelly at lagyan ng baby powder

Đọc thêm

kawawa naman po si baby grabe rashes nya ..palitan nyo po diaper si baby kada 4hrs kahit di pa puno palitan pa din po..wag din po masyado masikip ang diaper palitan ang size kung maaari ..lampin nyo po muna si baby hanggat my rashes ..and then kpag maglilinis ka po ng WAG po gamitan ng WIPES ...WARM WATER lang po sa cotton balls dampi dampi lng po ang pagpahid hindi pakuskos mommy kada palit punasan po ng cotton balls and after patuyuin maigi ang pwet at mga singit singit pahidan nyo po ng ZINC OXIDE or CALMOSEPTINE parehas lang po mura yan sa drugstore.

Đọc thêm

sino ba naman comfortable sa ganyang kalagayan ehhh ang sakit2x niyan..noong kunti palang yan sana hinanapan mo na ng lunas..dapat pag na poop siya hugasan agad kasi ang dali lang ng rashes pag hindi nalinis agad..mas better tubig gamitin po tapos dapat tuyong tuyo pag lagyan mo na ng diaper..pag ihi naman huwag mo paabutin 12 hours sensitive skin nila..pag new born madami talaga magagamit everyday more than 5 tiis tiis nalang sa budget or u can use cloth diaper kong nagtipid ka laba kana lang lagi.

Đọc thêm

calmoseptine gamit ko sa baby ko nong na rashes siya ayaw niya kasi yong eq dry. nagpalit kami ng huggies. pero advice ni pedia i wash na sa flowing water noon si baby kahit 1 month palang binawal niya ang wipes, pero di kami nag use noon kasi bulak and maligamgam na water noon gamit ko pero stop na din daw yon kaya tuwing magkawkaw si baby sa direct na sa faucet and kaya masydo kami malakas sa diaper kasi di namin siya hinahayaan mapunoan masydo ng wiwi sa diaper

Đọc thêm

Don't use petroleum jelly as per my baby's pedia before mas lalong naiinitan ang skin ng baby sa petroleum. Same sa oil. Kaya pag hinugasan mo using cotton hindi nawawala agad un substance sa skin ni baby.. Kailangan mo sabunin at linisin talaga. Your baby's skin is different from other babies. Better consult a pediatrician right away. Ang nipis na po tingnan ng pwet ni baby. Sobrang hapdi na nyan mommy.

Đọc thêm

Hoy ang sakit niyan. Masakit nga para sa atin na naka tingin ano pa kaya ang newborn. Pls po change diaper every 3-4 hours at bantayan palagi pag naka poop kasi ganyan mangyayari. Wag din muna gamit ng wipes, cotton with warm water muna kasi napaka sensitive po ng skin ng baby. Tiisin muna na marami talaga na gagamit na diaper pag newborn. Please check na po sa pedia, d na yan madadala ng home remedy.

Đọc thêm

Outs ang sakit nyan para kay baby momi..like wat said ng mga ka mommies naten dapat umpisa palang o maliit palang po naagapan nyo na ang rashes nya para hindi lumalala ng ganyan kawawa tlaga ang baby and mahapdi yan ..wag po kau gumamit ng wipes Yes better padin cotton and warm water ..and much better go to ur pedia para mabigyan is baby ng medication ..sana gumaling na ung rashes nya kawawa tlaga

Đọc thêm

mommy kung walang budget for pedia try nio magpa consult sa health center sa barangay nio for proper medication wag mag self medicate or mag ask dto iba iba po ang skin type ng mga baby. pwede mag work sa baby nila pero sa iyo hindi. so pra malunasan agad sa dr. po agad lumapit kundi si baby ang mag susuffer. try to go to your nearest health center sa barangay nio asap po wala po bayad un.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Oh no, momshie! We used Calmoseptine for our baby but that was prescribed by the pedia. Ask your pedia what ointment is best for your baby. But in the meantime, make sure you change the diaper within 2 to 3 hours and immediately dapat if he pooped naman. Cloth diapers worked for us too, sa morning namin ginagamit. Overnight lang ang diapers. I hope your baby gets well soon! 🙏

Đọc thêm