baby bottles
Ano po ginagamit nyo panglinis ng bote ni baby? Ok na po na yung joy? Salamat po sa sasagot.
Human nature mamsh the best kasi pag joy kahit banlawan mo ng mabuti maamoy yung pabango nya eh . Human nature kasi walang amoy kaya good kay baby :) pero taghirap tayo ngayon eh okay narin ang joy hehehe bsta pakuluan mo pagtapos mo hugasan mamsh :)
Ok lng ang joy antibac mommy, it serves it purpose namn na panlinis anyway issterilize mo dn naman ang bottles, no need to buy expensive cleaners
pwede nman po joy.. joy rin nman kasi gamit ko.. anyway, ssterilize mo nman yung bottles ehh, mawawala rin yung smell ng joy sa bottles
Tiny buds po. Medyo matapang pa rin po kasi yung joy.. para sakin po. Naaamoy ko pa rin kahit banlawan mabuti at sterilized.
Ako dati tiny buds and cradle. Pero ngayon joy na lang. Basta konti lang and banlawan maigi tapos sterilize ok na yun. 😊
tiny buds. Para po sa baby nonono sa joy hindi po nirerecomend ng pedia.
akin joy po.. ok nman xa.. naiisterelize nman ung bottle kaya ok lng
Ok lang naman po yung joy. Banlawan lang po maigi ng water 😊😊
Yess po pwede po joy. Joy po kac gamit ko sa mga junakis ko😊
ako joy lang din gamit ko tapos warm soapy water po