Emotions
Ano po gagawin nyo if pakiramdam nyo binabalewala lang ng partner nyo yung galit at disappointments mo sa kanya? Madalas na kami magaway ng LIP ko kasi punong puno na din ako. Pero parang di nya sineseryoso yung galit ko. If magaway kami , magsosorry lang sya ng labas sa ilong tapos lulubayan nya muna ako kasi nga galit ako , tapos kinabukasan magppretend sya na parang wala kami pinag awayan. Una, Nakaaway kasi ni LIP yung family ko sabi ko magSorry sya kahit kay mama lang , since may pagkakamali din sya. 2 weeks na nakakalipas di talaga sya nagsosorry. Tapos eto pa, lagi sya babad sa cp nya kakalaro imbis n matulog sya . naglalaro p sa cp . pag need ko na ng tulong kay baby tsaka sya natutulog. Third, 2 years na parang wla lang sa kanya yung mga anniv , xmas kahit bday ko. Nung nanliligaw pa lang sya todo regalo ang gago. Ngayon ni pambalot ng regalo wala nabibigay. Dahilan nya wala daw pera pero pambili ng ps4 and drone at etc meron sya. Feeling ko inaabuso na ako ng LIP ko. Di ako nanghihingi ng regalo pero di naman siguro masama magexpect lalo na 2 years na ganun. Nakakawalan na ng gana. Lagi sya nanghihingi ng sex recently pero ayaw ko na. Feeling ko kasi ibang tao na sya , stranger na sya sakim kumbaga. Kayo po, ano po kaya pwede ko gawin para di na ako mastress sa kanya. Sinabihan ko na sya na mg hiwalay n kami pero kahit yun di nya ako sineseryoso. Narinig naman nya pero maya maya konti tila wala ako sinabi.