Duphaston or Progesteron?
Ano po ba mas maganda mommies na pampakapit? Duphaston or yung iniinsert po sa pwerta na progesteron? Nagduphaston na kasi ko for 2 weeks nung 6 to 8 weeks pregnant ako. Ngayon po nagkaspotting ulit. Sabi ng ob ko progesteron. Medyo worried ako kasi baka di sya komportable. Ano po ba mas effective para sa inyo? Ano din po ang mas affordable? 3x a day kasi ang duphaston. P80 per piece. So sa 1 araw P240 din Salamat po sa sasagot #firstbaby #pregnancy #1stimemom #advicepls
mas effective po sa akin ang progesterone kasi nung buong 1st trimester ko un ang nireseta ng OB sa akin oral ko tinitake 1x a day..tas nung 2nd trimester mga 2 weeks ako nagtake due to placenta previa 1x a day din and etong 3rd trimester 3 weeks ako nagtake 2x a day via vaginal insert due to threatened preterm labor..hindi ako dinugo or spotting all throughout my pregnancy..may history na kz ako ng miscarriage last year and duphaston ang pinatake sa akin ng ibang OB pero patuloy pa din ung pagspotting ko nun for 1 week hangang sa makunan ako on my 9th week..
Đọc thêmheragest progesterone po mas effective. Same here during my 1st trimester lagi akong may spotting as in (1st-3rd month). Suki ako sa emergency room. My OB gave me duphaston for 2 weeks then after that she prescribed me heragest progesterone vaginally, twice a day for almost 2 months. You may feel uneasy when you inserted it at first lang. I am on my 3rd trimester now and no more bleeding since may last ER and free from being on bed the whole day. 🙂
Đọc thêmAko po mamsh sa 1st baby ko maselan din ako nagspotting ako at pabalik balik sa hospital hanggang 5month tiyan ko. Nung nagspotting ako 8weeks preggy ako Duphaston pinatake sakin (nasa Mindanao ako non kasi dun nakaassign hubby ko) pero pag uwi ko dito sa Bulacan dun na ko sa talagang OB ko Heragest progesterone yung iniinsert sa loob. Medyo pricey sya pero okay din naman. Until 5 months yun pinatake sakin. Tinayaga ko lang talaga kasi para kay baby.
Đọc thêmmas maganda po siguro progesterone subok ko na po .. nasa 60 pesos po siya then iinsert lang po bago matulog meron din po na painom po nun yung heragest kung di ka po komportable mag insert .. pero nung ininom ko po yun nahihilo po ako kaya nag progesteron na iniinsert nalang me sabi Dra
ako na try ko ang duvadilan and duphaston even isoxilan. pero effective sakin ang heragest inta vaginal. high risk pregnancy pregnancy kasi ako, di ako kaya nung first 3 mapatigil ang spotting ko sa heragest talaga hangang manganak ako sa preterm baby ko.
me po I am taking heragest progesterone orally before but now I was advised by my OB to have it intra vaginally since meron po nkita subchorionic hemorrage.. hopefully mwala n po 14weeks pregnant tmrw
Yan din tinetake ko nung buntis ako sa bunso ko. May duvadilan din. Sa pagkaka-alala ko 60pesos each ang pregesterone. Heragest ang brand ng akin. Every night sya iniinsert. Pag matutulog ka na talaga.
Ininsert ko na po kaninang 10:20pm. Nakaidlip na ko pero nagising din kasi naiihi na ko ngayong 11:30pm. Di pa ata pwedeng tumayo baka di pa tunaw yung gamot
Thanks mommies. Progesteron Gestron po nireseta sakin ng ob ko. Kakainsert ko lang ngayon. Sana nga di na ko magspotting. Stay safe mommies and have a safe and healthy pregnancy to all of us.
Nagtake po ako duphaston 6-8weeks 3x a day nagokay naman na ako. Mahal talaga sya pero for baby na lang isipin mo mommy ☺️💛 Ingat always
Duphaston yan nireseta ng ob ko dito sa malaysia 11 weeks plang ang baby nun dnudugo ako halos everyday may dugo.