Try mong kausapin ng masinsinan. Kasi kung hindi nag-work ang pagiging galit sa tono ng boses, try mo naman maging gentle. Tanungin mo kung bakit ayaw niyang mag-share, bakit siya nananakit - malamang kasi gusto niya siya lang ang bida. Pero be firm in your discipline. Kung nangagat siya o nakipag-away, punishment na yan - but hindi ko sina-suggest na palo agad. Puwedeng time out lang o no TV o kunin mo sa kanya yung toy na nilalaro niya. Ang importante maintindihan niya na may punishment tuwing nagmi-misbehave siya - at may reward kung nabe-behave naman siya. So kung mag-share siya ng toy, i-praise mo kagad ng "Ay ang bait-bait naman ng anak ko!" Kung mag misbehave naman, "Hay naku, anak, Mommy doesn't like that ha. Hindi yan mabuting gawain." So just remember: be firm in your discipline, be generous with your praises, at kausapin mo ng masinsinan anak mo para maintindihan mo kung bakit ganun ang behavior niya.
Đọc thêm
Domestic diva of 3 bright stars