Red Flags

Ano po ang mga red flags sa isang lalaki bago kayo magpakasal sakanya? Ano po ung mga regrets nyo nung nagpakasal kayo? And ung mga "SANA" nyo before kayo nagpatali. Paki enlighten naman po ako. Mahal ko po tong bf ko pero may mga red flags na kasi akong nakikita pero nagbubulag bulagan lang ako. ayokong pagsisihan ko sa huli.. Edit: eto po mga red flags na nakita ko sakanya. Nung naging kami nag live in po agad kami. 1year. 28 po kami parehas. *anger management issue Palasigaw, palamura, walang diskarte sa buhay, medyo tamad, (lumaki kasi na binigay lahat sakanya ng magulang nya, ultimo kotse nya) nung nawala mommy nya, parang di na nya kaya sarili nya, ambilis nya magive up. Kahit sa work nya. Lagi nyang inaalisan. Mahina loob. Aminado sya dun. *pag sinisita ko sya sa pera nya galit na galit, sasabihan pa ko ng sino ba daw ako, bakit kelangan sabihin nya sakin ung mga pera nya. Bago sya umalis sa boss nyang chinese binigyan pala sya ng tip na 100k. Never nyang sinabi sakin un. Ubos na nung nabanggit nya, at nadulas lang sya nun. Kahit Jollibee wLa akong natanggap. Sabi nya pinampaayos nya dun sa nasunog nilang condo. Nung nagalit ako pinagbabato nya ung mga gamit sa bahay. *nabuntis ako pero nung unang checkup ko ako gumastos, di nya ko inaalagan, tanghali na wala pading makain, tulog padin sya (lockdown un, sya lang ang pwedeng lumabas) (then nakunan ako) *naalala ko nung before ako magpositive sa pregnancy, ramdam ko buntis ako. Sabi ko sakanya pano nga pag buntis ako, sinagot ako na "bakit, aasa ka sakin"? 😢 *pag magaaway kami isusumbat nya sakin ung mga pinakain nya sakin. Eto po reason bakit ako nagsstay sakanya, sobrang mahal na mahal nya ko. Di nya kaya mawala ako, hindi sya babaero, never syang tumingin sa mga babae sa fb or Instagram. Pinakilala nya agad ako sa family nya. Hindi sya mabisyo, walang yosi at alak. Di din sya palabarkada, lagi lang kasama pinsan nya at isa nyang best friend na tomboy, Pag naagaway kami sya lagi ang unang nagsosorry.. Lagi nya ko sinusuyo, bibigyan ako roses para lang magbati kami. Di ko lang po kasi alam kung ano ung mas titignan ko. Ung red flags ba o ung mahal nya ko. Alam ko kasi wala talagang perfect na lalaki. Pero acceptable ba ung mainitin ulo nya at parang pagdating sa pera wala akong karapatan sakanya. 😢

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Try nyo muna pong mag live in or magsama before magpakasal. Lalabas kasi tunay nilang ugali at dun mo makikita yung mga red flags. Mahirap kasi selfish, tamad at walang diskarte sa buhay ang mapapangasawa mo.

Hayyy, ano ba sinasabi mong mahal na mahal ka e yung 100k nga di sinabi sayo ni Jollibee wala. Wag ka po magpadala sa matatamis na salita. Di ka nya nirerespeto.

respect and honesty po mahalaga sa relationship. kayo po bahala kasi ang lalaki kung ano na yan, ganyan na talaga yan. bbihira lang ang nag babago.

Sis pag gnyan pag isipan mo mbuti.. Nsayo din kasi.. Kaya mo bang mawala siya sa buhay mo.. Kaya mo bang bgyan ng magndang buhay ang anak mo..

there is no perfect relationship. though until now di pa kami kasal but by choice naman namin un..dapat handa kang tanggapin kung ano sya..

Para mapatunayang mahal ka ng isang tao,dapat nirerespeto ka niya. Di kang bikang partner dapat bilang babae din.

Thành viên VIP

depende po ata yan sa kun ano ang kaya nyong tanggapin at mahalin pa rin once ikinasal na kayo.

mag live in ka muna para makita mo lalo ugali niya mahirap pag kasal na kayo wala ka ng kawala

Thành viên VIP

nako momsh me chance kapa hindi pa namn kayo kasal mag susuffer ka lang dyan

anyway hindi po yan pag mamahal ang ipinapkita sayo..