Formula milk
Ano po ang magandang formula milk para sa baby ko na 2weeks old palang po. Opo mas maganda BF wala po talaga nalabas ☹️ kesa magutom si baby. Ngayon po since nanganak ako Bona po milk nya. Balak po namin sya palitan since wala talaga nalabas na milk sakin. Any advice po
Wag ka mawalan ng pag asa magpa BF momsh ako din wala din nalabas agad pero nagpapump ako electric, napalabas ng Ate ko milk ko ang pinagawa lang sakin humigop ng mainit na gatas like bearbrand, birch tree kahit ano, tapos pinisil pisil ko na lang dede ko minassage ko sa gilid, bigla nagkaron nasa ospital pa kami non 2days after ko manganak.. Pero ayaw nya sa nipple ko until now kaya pinapump ko naka pure breastfeed sya sakin ngayon mataba na sya at mas kampante ako kasi nag try ako mag formula milk mix feed nagtae sya ng watery natakot ako nag normal tae nya nung pinilit ko mag pure breastmilk.. kampante ako sa poo poo nya ngayon kasi alam ko pure breastmilk natetake nya eh at puno ng antibodies yun para di sya sakitin kahit mag mix feed ka momsh basta matake nya breastmilk mo, lalong di ka magkakaron ng gatas pag nag pure formula ka..
Đọc thêmAko momsh malapit nakong mawalan ng pag asa. Walang wla talagang gatas boobs ko. Kaya nag formula ako pero sa days na yun. Maraming sabaw talaga ininum ko na minsan may papaya na hilaw kasama, gatas din 3x a day tas oatmeal din. Ang daming kinain at ininum ko, tas pinapump ko rin parati kahit ang sakit2 na kinaya ko para kay baby, hot compress din tas nag pray din ako and naawa si lord, angayun nagkaka milk nako pa konti2,
Đọc thêmUnlilatch mamsh. Ipasipsip mo lang ng ipasipsip kay baby ang areola mo may lalabas dyan pramis. Sya rin ang makakapagpalabas dyan. Wag ka mawawalan ng pag-asa basta determinado ka mag bf. Sayang po ang colostrum mo mamsh. Sayang kung hndi maiinom ni baby mo un. Sobrang halaga nun it contains millions of antibodies na magpoprotect sa baby mo sa mga airborne na sakit. You better not give up. Kayang kaya mo yan.
Đọc thêmwala bang nireseta sau mommy pra mgboost yung milk mo kc sakin niresetahan kc aq nang ob ko dati nang natalac pang pagatas at ngkaroon po tlga aq nang gatas after ko mgtake nun nang ilang days..
okey lang naman yung bonna. Almost same formulation lang naman sila ng S26 kase same naman sila from Wyeth, mas makakatipid ka pa nga sa Bonna e.
enfamil A+ one..ginamit ko yan alternative pra di makulangan lo ko ng gatas kc mejo mahina pa noon breastmilk ko eh.
Similac tummi care ang advise ng pedia since ang hina din ng breastmilk ko kahit uminom ng malunggay capsule 😔
Similac po mommy. Pero depende naman po kasi yun kung saan hihiyang na milk si baby.
Hiyangan lang ung formula milk sis depende pa din kay baby kung san sya mahihiyang
okay naman yun bonna, bonna din gamit namen going to 3mos baby ko and healthy naman sya
Hoping for a child