Ay, ang pinakaimportante talaga is na makita muna ng doctor kung bakit siya gabing-gabi, baka colic, reflux, o lactose sensitivity lang, hindi lang formula issue, kaya dapat ma-rule out muna ng pediatrician. Once na alam na ang cause, if kailangan talaga mag-switch, gradual ang approach, usually 1 part new formula to 3 parts old para sa ilang days, tapos 1:1, tapos 3:1, para hindi ma-upset pa lalo ang tummy niya. A few of us tried lahat ng three brands (S26, Similac, Nan), at honestly it really depends sa baby, some babies thrive sa Similac, others sa Nan, pero huwag mabilis mag-jump from one to another kasi parang nakakasama lang if hindi talaga yung formula ang problema.