sino nanganak via CS?
ano feeling mommy? sa mga nanganak via CS? natatakot kasi ako, transverse position si baby. CS daw ako😭 Im 35weeks pregnant. #1stimemom
no problem naman sakin ung operation pero matagal recovery sa CS momy and pinakamahirap talaga nyan is mas dapat maingat ka na wag agad mabuntis kasi mas maselan tayo sa mga nag normal delivery. First 72 hours after operation napakahirap kumilos. Masakit, mabigat and you really need to move kahit konti para kahit papano maka adjust ka agad. First week is struggle maligo kasi may tahi ka and bawal mabasa. 2nd week after CS, mejo okay ka na nito. Makakagawa gawa ka na ng light housechores. By this time, ideally, tuyo na ung sugat, sarado na ang tahi mukha ka na hindi nanganak though alalay pa rin na wag masyado mapagod at gumawa ng mga mabibigat na gawain. After 2 months, balik ka na sa dating gawi. If maganda pagkakahilom ng sugat mo like me, kahit papano makakabalik alindog ka na agad. You can exercise na ng cardio.
Đọc thêmGanyan din sabi ng Sonologist ko before, traverse daw position ni baby noong nagpacheck up na ako ulit sa OB ko to submit yung result ng ultrasound ko, sabi niya sa akin, iikot pa daw si baby. so ayun nga umikot at nai-normal ko naman si baby hindi nga lang si OB ko ang nagpa anak sa akin kasi umuwi ako ng province dahil ayaw ko manganak sa manila dahil kasagsagan ng covid, nanganak ako sa Lying-in. Iikot pa yan at sabayan mo ng prayers, mag lakad lakad ka din para hindi ka mahirapan sa panganganak🙂. God bless
Đọc thêmAko CS, wala namang pakiramdam habang inilalabas c baby. After nun ang masakit 😭 mahirap tumayo at maglakad pero in few weeks lang naman un. ngaun 1 month 11 days na c baby, dry na ung tahi q pero may nararamdaman prin akong pain sa loob at ma ingat parin aq s pagkilos. Sa case mo, i think iikot pa yan. sabayan mo ng Dasal at kausapin mo c baby. 🙏🙏👍👍
Đọc thêmIm 1 year and 5 mos.post cs mamsh.during cs wla naman mararamdaman since nka anesthesia..pero pag wear off na un..dun na ko nakaramdam ng pain.mahirap kumilos compare sa mga nag normal delivery pero kaya naman.may meds naman na irereseta for pain .Kaya mo yan..malay mo umikot pa si baby magnormal delivery ka😊
Đọc thêmcs here sis sa una lng mhirap at nkakaba pero pag nrinig mo n iyak ni baby worth lahat ng skit na narmdmn mo hnd mo n mppnsin ang skit ng tahi pag asa tabi mo n si baby kaya mo yn sis goodluck cs here and cs uli ako sa second ko ngaun for sure 😊😊 goodluck
ano pong feeling sa tummy kapag transverse si baby? ako kase nag woworry na baka transverse din si baby ko kase may nakaumbok lage sa left side ko and medyo masakit sya pag naiipit then sa right side naman may nasiksik sa ribs ko 😥
Nakaka kaba sa una pero pag andyan na yung baby mwwla lahat ng takot tsla sa unang linggo mskit po yng sugat pro sympre maghihilom rin. it takes time to heal ika nga ♥️ Kaya mo yan mami! 🙏💕
Mas challenging ang recovery stage for CS. Induced labor for 20hrs ako na nauwe sa CS. So far ok naman ung procedure since sobra sakit mag labor 😂😂😂
Sa una kakabahan ka pero pag narinig mo n iyak ni baby mapapaiyak ka na lang sa saya😍 Ako mas gusto q cs kasi natrauma talaga ako sa labor😥
Iikot pa yan.May nabasa ako sa mga nagcomment before na tapat mo daw ung earphones sa may bandang puson para umikot si baby