Ano ba ung G6PD? Sa newborn screening kasi lumabas na positive si baby

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

May G6PD po ang anak ko! G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening. Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila. Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal. Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba! Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging retarded o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya. "Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!" "Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ". Hindi rin napupunta sa retarded. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bata na mukhang delayed ang pagtubo ay hindi po yun G6PD, iba po yun na sakit. Ang G6PD po ay matagal ng nasa mundo. Kahit panahon pa ni Lapulapu at Magelan andito na po ito. Hindi po ito bagong sakit. Napapasa po ito sa lahi. Pero ngayong lang itong may test na naimbento kaya parang biglang dumami ang positive. Ibig ko sabihin, malaking tsansa na kayong mga magulang at lolo at lola ay may G6PD. Marahil ako rin ay mayroon kaya lang di natin alam dahil wala tayong test noon. Dati wala namang pinagbawal sa atin at sa mga kinanu-nunuan natin, eh wala naman mga narinig tayong nagka-anemic nalang bigla at G6PD ang diagnosis. May narinig na ba kayo sa lahi niyo na kapag sumawsaw ng ulam sa toyo ay naadmit dahil nagiging anemic? Iba po yung kailangan lang ng vitamins na Iron ha. Hindi po yun sila anemic dahil sa G6PD. Anemic lang yun na natural kaya binibigyan ng Iron. To be honest wala pa po akong nasalinan ng dugo na dahil sa G6PD sa tagal ko na pagiging Doctor. Ibig ko sabihin medyo bihira talaga ang nagkakaroon ng simtomas na Pilipino. Likas na matibay ang lahing Pinoy, bigay yan ng Diyos sa atin. Ngayon hindi ko rin sinasabi na baliwalain natin ang mga payo patungkol sa mga bawal ng G6PD. Ang ibig ko lang sabihin ay wag nating ibrand ang batang may G6PD na weak or masakitin. Kung baga po, hindi lang po tayo kumukuha ng explaination sa libro kundi po sa practical na obserbasyon sa buhay o sa history. Kung sasabihin nyong meron talagang naadmit na may G6PD sa lahi niyo dahil kumain ng beans o sumawsaw ng soy sauce at biglang na-anemic ay ibang usapan na yan. Pero kung wala naman, relax lang, kasing normal niyo yung anak niyo. Ang pinakabawal ay yun paring binabawal ko sa lahat ng mga bata, kahit may G6PD man o wala. 1. Bawal ang magspray ng insecticide na may baby. 2. Bawal ang bumili ng antibiotic na walang pahintulot sa Doctor. 3. Bawal ang junk foods. 4. Bawal ang moth balls. 5. Sa gatas syempre breastfeeding is best. Avoid nalang sa soya milk. Cow's milk nalang if wala ng breastmilk. 6. About sa pagkain naman, avoid lang sa fava beans. Eat healthy lang din po. Bawal ang sobra. Paminsan minsang sawsaw sa soy sauce ok lang. 7. Bawal ma expose sa mga toxic na chemical. Bottomline, para sa akin ang batang may G6PD ay normal na bata. Kung tumanda ang lahi niyo dati at walang nangyari kahit walang mga bawal, ano nalang si baby? Lalo't na't meron ng mga healthy advise. Addition: hindi niyo rin po pwedeng sabihin na madali lang ubuhin o siponin ang anak niyo dahil may G6PD siya. Wala pong kuneksyon. Note: ang payo po na nabasa niyo ay ang aking personal at practical na payo. Kung gusto niyo pa pong maiintindihan ng malalim ang G6PD may link po akong nilagay sa comment area. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips please like @Dr. Richard Mata. #drmatag6pd

Đọc thêm

Ang mommy friend ko may nakwento lang siya na pag excessive daw ung take mo na naything may soy nakakamatay daw parang allergies lang sa peanuts usually may gamot or injections para mawala ung atake. Better consult pa din ang pedia mo to know more sa bawal at kung anu dapat gawin

may baby po ako na positive sa G6PD may mga bawal na food sknya. ung mga soya foods then pati sa medicine may mga bawal dn po sknya. kaya pag nagkasakit po si baby.. sabihin mo po sa doctor na pasotive sya sa G6PD para alam kung anong medicine ang pwd kay baby

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-30509)

Nagpositive ang panganay ko sa g6pd, pero nung nagconfirmatory test siya sa main office ng Newborn screening sa may Sta Mesa (if im not mistaken) normal naman ang result niya...

5y trước

mommy jhuna ano kaya symtoms na nakikita mo sa baby mo.. nagsusuka ba siya kapag pinapaburp.?

anak ko po nag positive dn s ganyan.. thankgod. ok naman po sya now. 7 yrs old n sya 😊 may nasabi dn skin nurse na. babyboy daw madalas nag papositive sa ganyan g6pd.

You may want to check this website http://www.g6pd.org/ Based sa friend ko na mommy bawal sa anak nya ang soy at menthol kahit maamoy lang

Anak ko diagnosed din ng g6pd. 7yrs old n sya naun. Wala naman aq nkkta na effect even makakaen ng sinasabe nlang bawal.

5y trước

Momsh puede po ba mkuha fb mo, same case din po kz sa anak co. 2months old palang po cia

Bakit may mga positive dyan? Saan ba nila nakukuha yan?

6y trước

May G6PD po ang anak ko! G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening. Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila. Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal. Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba! Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging retarded o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya. "Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!" "Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ". Hindi rin napupunta sa retarded. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bat

Influencer của TAP

Consult your pedia right away.