Pregnancy?

Ano ang pakiramdam ng tiyan ninyo nung hindi pa ninyo alam na buntis na kayo?

Pregnancy?
73 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yung pagod ako kahit walang ginagawa, palaging masakit ang tiyan ko, pag gising ko sa umaga masakit ang ulo ko ng di ko alam ang dahilan. Marami narin ang pimples ko. Then nagplano kami na mag pa pregnacy test ako(serum and PT) para sure kasi 2 weeks na akong delayed, yun postive na!!

3 buwan nako hindi dinatnan pero nag pt ako puro negative lumalabas , kaya ang iniisip ko nalang baka may sakit nako or what pero nakakaramdam ako ng pagod at hilo, suka . napansin ko nalang yung tiyan ko mag 4 months lumalaki at may gumagalaw kaya ayun buntis talaga ako heheheh

nung jan feb wala nmn akong naramdaman march 26 kong nalaman na buntis ako sa watson ko binili ung pt at check ko after kong umuwi ng bahay...2x akong nag p.t positive yung lumabas mejo kinabahan ako nung una...pero super saya ng magpacheck up na ako kay o.b confirmed

Sumasakit po 'yung puson ko... akala ko malapit na ang period ko pero hindi pala tapos bigla na lang akong maglalaway tuwing makakita ako ng manggang hilaw tapos konti lang ang kinakain ko parang masusuka na ako. 'di ko alam na 6weeks preggy na pala ako nun...

clueless ako na buntis na pala ako.Lagi lang ako gutumin,antukin at emotional,laging naiinis sa asawa ko,hehe. Feelng q ang taba taba ko na kasi ang laki ng tyan ko masakit pag naiipit then I decided to try PT and then nag positive siya🤰

Thành viên VIP

alam ko mataba lang ako madami nagssbi buntis ako, sabi ko naman hindi xe kakagaling ko lng miscarriage 5mos.ago.. tapos pgmy naisip ako kainin parang sobrang nagkecrave ako.. tapos sobrng antok ako pgtanghali d ko kyang pigilin antok ko..

Thành viên VIP

antukin at hinihingal pag akyat lang ng hagdan samantalang before pregnancy tinatakbo q pa un.. hahaha and then siguro instinct na rin na parang may something sa loob q na dq maintindihan.. hahaha

Nagpt ako ng jan26 2021 negative. Kaya nung sumasakit puson ko natakot ako kasi may pcos ako. Nagpt uli ako ng Feb8 para alam ko na sa pag pa pacheck ko sa ob. Then boommm POSITIVE! ❤️

sinisikmura, nwala gana sa pagkain, mabilis mapagod saka ko na pansin na delay na pala mens ko kaya nag pt ako ayun positive 😁 ngayon kakapanganak ko lng sa babygirl ko😊

bloated lage at wla gana kumain kumbaga lipas n kung kumain.inis na inis aq sa hubby ko Yun pla buntis aq kaya naawa aq sa baby ko.nung nlaman ko sa pag pt bumawi aq Ng kain.