hello mommy! 1 year po after ko makunan dun pa lang kami biniyayaan ulit. dumating po ako sa point na yan ung kahit wala ako gana go pa rin kasi pvulation period ko. pero mommy gawin nyo po si baby out of love di po out of wanting to have another baby. naremind po ako nyan nung bigla positive na pt ko. ang dami kong iyak. kahit saglit lang po ung panahon na hinintay namin compared sa inyo, sobrang emotional po kasi namin magasawa nung nawala si baby namin last year. kaya medyo relate po ako dun sa everytime na papasok ka ng banyo tapos di lilitaw ung pangalawang linya, nakakapanlumo. ano po vitamins nyo ngayon? ako po noon vitamin c, fish oil, nag-goli din po ako ung sky blue, pero one bottle lang ang mahal kasi, vitamin e tsaka healthy living lang. subukan nyo po ulit magpaalaga sa ob para matulungan din po kayo ano pwede inumin na vitamins pa at kung ano pwede pa gawin. your time will come din po. hugs to you mommy! habang tinatype ko po ito sumisipa si baby sa tyan ko. hug nya din daw po kayo. 🥰
Anonymous