Ang pagbabakuna para sa COVID-19 ay makakatulong sa inyong anak
Ang pagbabakuna para sa COVID-19 ay makakatulong sa inyong anak na ipagpatuloy ang mga aktibidad na ikasisiya nila at sa pagsuporta sa kanilang kalusagan ng isip at kapakanan. Ang pagbabakuna ay isang mahalagang paraan upang tumulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 at mapayagan ang mga mag-aaral at pamilya na ligtas na ipagpatuloy ang normal nilang mga aktibidad. Kapag sapat na ang mga tao na may proteksyon mula sa COVID-19, ang panganib sa impeksyon sa inyong anak ay bababa. Ang mga bakuna, kasabay ang pagsuot ng mga mask, pisikal na pagdidistansiya at ibang mga pag-iingat, ay makakatulong protektahan ang kalusugan ng nakararami sa komunidad. Hangga’t pagkatapos lamang bumaba ang bilang ng COVID-19 sa kalawakan ng komunidad posibleng bumalik sa normal ang mga aktibidad para sa mga bata at kabataan.