1 Các câu trả lời

Mag isang anak lang ba si hubby mo mommy? Dapat lang talaga na bumukod na kayo, number 1 rule yan sa pag aasawa. Kase ayan, nakikita nyo na yung isa sa disadvantage ng di nakabukod. If solong anak lang si hubby mo, pwede sya magbigay tulong pa rin sa parents nya kahit wala na kayo sa kanila. Pero yung tulong na tama lang at galing sa extrang pera. Hindi yung uunahin nya magulang nya kaysa sa inyo ng mga anak mo. Saka pag lumaki na mga anak nyo, mas marami pa kayong dis advantage na mararanasan sa pagtira with in laws mo. Hanggang kaya nyo ng bumukod, gawin nyo na. Baka kase humantong pa sa samaan ng loob yung ganyang nangyayare sa inyo ng nanay ng asawa mo. Same tayo ng sitwasyon mommy. Pero kami hindi kasal, nagpaplano palang bumukod.

Same tayo mommy, ayoko lumaki ang anak ko na makikita nyang environment is yung nakikita nya sa lola nya. Minsan kase may mga salita sila na nakaka offend pero para sa kanila ok lang. Pero satin as nanay, nakakapikon dahil tayo ang magulang e. At lagi silang nagkukumpara ng pag aalaga nila sa anak nila sa pag aalaga natin sa anak natin. Katwiran nila matanda na sila at mas alam nila yung pag aalaga, which is para sakin hindi ok. Kaya minsan nag aaway rin kami ng live in partner ko, kase nagsusumbong daw nanay nya sa kanya na nakasimangot daw ako at di kinikibo nanay nya. E kaysa naman kumibo ako at sagutin ko sya diba? 😅 hay naku mommy, kaya dapat iwas nalang tayo by living separately.

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan