Ang pagbabakuna sa mga bata at kabataan na 12 taong gulang at pataas ay ligtas at epektibo.
Ang mga bakuna ay ligtas, epektibo at pinakamahusay na paraan upang maprotektahan laban sa COVID-19. Pinahintulutan ng Health Canada ang bakuna na Pfizer-BioNTech para sa mga kabataang nasa 12 hanggang 17 taong gulang at napagpasyahan na ito ay ligtas sa kabataan nang walang seryosong masamang mga epekto. Malapit sa 3 milyong mga dosis ng bakunang Pfizer-BioNTech ay naibigay na sa mga 12 hanggang sa 17 taong gulang sa Estados Unidos. Walang seryosong masamang mga epekto ang nauugnay sa grupo ng edad na ito. Sa mga klinikal na pagsubok (clinical trials), ang bakunang Pfizer-BioNTech ay nagpakita ng higit na epektibong proteksyon laban sa COVID-19 para sa mga indibidwal na 12 taong gulang at pataas. Ang kabataan ay madalas nagpapakita ng magandang immune response pagkatapos ng pagbabakuna, na nagreresulta sa matatag na proteksyon.