33 weeks ftm ako lang po ba yung hindi nakaka ramdam ng sakit pag nagalaw si baby? normal lang po ba
ang dami ko kasi nababasa at nakaka usap na sa ganitong week pag gumagalaw baby nila masakit daw 😅. magalaw din naman baby ko pero di naman masakit. isang beses lang medyo masakit nung parang nag wawala siya sa loob 🤣
Same mi magalaw din si baby pero di ganun kasakit. Naramdaman ko masakit galaw niya nung nakaharap siya sa tummy ko tas ung kamay talaga niya masakit pag tinutusok tummy ko. Haha. Pero kasi nakataob na ulit si baby kaya puro pwet nalang madalas umumbok😅 baby girl mi tyaka anterior placenta kaya may times mahinhin.
Đọc thêmSakin mie hindi din masakit. Masarap nga sa feeling pag gumagalaw sya. Anterior placenta din kami pero pag time ng movement nya para syang nagwawala sa loob pero di masakit. Best word to describe siguro is uncomfortable but not painful.
Actually sumasakit lang ang galaw ni baby kapag sumisiksik na sya sa pwerta ko at nasisipa nya yung sikmura ko pero pag galaw sa gitnang part lang hindi sya masakit. Pag nasiksik kasi sya sa babang part ko para kong kinukuryente na naiihi hahahha
33 weeks din mi, masakit lang pag binabaon niya yung paa niya sa tyan ko na parang galit na galit 😂 paminsan sunod sunod pa galaw niya hindi na ko nakakahinga 😂
very normal po at napakaswerte mo po.
Yun saken naman po masakit din madalas galaw nya lalo sa ilalim ng bandang ribs, minsan madiin galaw nya.