FYI As Explained By My Baby's Pedia
Ang dami dito minamaliit yung vaccines sa center kesyo low quality daw kaya daw nakakalagnat. So bakit irerecommend ng ibang pedia magpavaccine sa center kung low quality pala to? Haaaay. Bakit nga ba nakakalagnat ang penta (5in1) sa center at hindi sa pedia? Sa center kasi ang gamit nila ay DwPT (whole cell) meron syang killed pertusis bacteria with cell covering. Sa pedia ang gamit nila DaPT (acellular) meron syang killed pertusis bacteria with the cell covering REMOVED. Cell covering ng pertusis bacteria yung nagbibigay ng side effects gaya ng lagnat at pamamaga. Ang tanong, parehas lang ba sila? OO. PAREHAS LANG. ANG PINAGKAIBA YUNG ISA WHOLE CELL (PAINFUL) YUNG ISA ACELLULAR (PAINLESS). Parehas lang quality ng sa private at sa center!!!
Mama Of My Baby Batuta