Hindi ko maexplain nararamdamanan ko sa ngayon
Ang ate kanina, naglabas ng hinaing. At the young age, idk parang ganun na rin. Kasi kanina naglalambing. Niyayakap ako tapos biglang sabi nya nagwork daw ang mommy, nagwork din ang daddy, wala na daw sya bestfriend, na wala daw sya kasama. Sabi ko nagwowork ang mommy pero dito lang naman sa tabi nya. Wfh kasi ako. Pero sagot nya si daddy daw nya umaalis. Tapos ilang minutes lang lumuluha na sya. One time hinatid kami ng daddy sa school, sabi nya "I miss u daddy." Sabay pilit na bumaba ang daddy para ihatid sya sa loob. Nung bumaba ang daddy sobrang happy nya. Tho hinahatid naman talaga nya sya tsaka binabantayan sya ng daddy pag wala sya pasok. Nabusy kasi sya that time na di talaga makahatid. Parang nasaktan naman ako na naguilty. Bata pa nya 4yrs old pero ganun na napifeel nya. Paano nalang kung ang work ko tulad ng daddy na kelangan din lumabas. Isa din to sa reason kaya siguro wala pa sya kapatid kasi maski ako diko alam paano hahatiin ang oras ko sa dalawa. Ayoko na maneglect sya kasi alam ko na di maiiwasan na malessen ung attention sakanya. Been there, ang hirap maging panganay sa totoo lang. Gusto ko mabuntis pero parang napaisip ako na parang di pa nga talaga ako ready.