need someone to talk to
ako po yung nagpopost nung nakaraan about sa lockdown na hindi na pinapakitaan ng maganda ng asawa nya. ngayon lang nag away kami at sobra sobrang sama ng loob ko. pinipilit na kasi nya na umuwi kami sa kanila (btw nakabukod kami pero itong tinitirhan namin bahay din ng nanay nya), kasi nga ayaw na nyang gumastos at galawin yung pera na meron kami kasi nakalaan yun sa bday ng anak namin. nahihirapan na raw sya sa araw araw na gantong buhay namin. e ako alam naman nyang ayoko talaga dun sa kanila dahil may mga ugali ang byenan ko. isa pa sila ang nagdedesisyon sa amin. sabi pa nya di ko raw iniisip yung anak namin. hinahayaan ko lang sya pagsalitaan ako ng di magaganda. pinaka masakit sakin yung sinabi nya na wala akong kwenta, at bobo raw ako hindi nagiisip. sarili ko lang daw iniisip ko at hindi ko raw sya maintindihan. kala ko raw pinupulot lang ang pera. palit daw kami ako raw mag trabaho at sya ang mag stay sa bahay. may saloobin/side ako jan pwedeng pwede ko ikwento sa inyo basta sana wag kayo mag judge. sobrang sakit lang sakin kasi asa bahay lang ako nagaalaga ng anak namin. ang akin lang ganto na ang buhay mag asawa diba, kahit mahirap, kinakaya naman. nagkataon lang talaga may pangyayari dito sa pinas i mean lahat naman tayo apektado nito. ano yun gusto nya uuwi kami sa kabila tas nakaasa kami sa magulang nya kaya yung mga magulang nya ganun na lang mangealam samin? ano yun?? para ke pa may sarili na syang pamilya?? pasensya na kayo, pero kasi di nyo kilala mga byenan ko. sobra akong nakikisama sa kanila pero me mga ugali talaga sila. ako yung tipo ng babae na tahimik lang di ako sumasagot sa asawa ko dahil tingin nya sya lagi ang tama. sinabi ko naman sa kanya na ipagpaliban na lang yung bday ng anak namin. ang dami kong issue pasensya na talaga, pero para sakin kasi hindi ko na kaya na ganto. pano pag tumagal pa kami asa iisang bahay lang kami di ko nakikita yung sarili ko na ganto. dami dami nyang pinamukha at sinumbat sakin na sya ang nagpapakain at bumubuhay sakin basta marami pa. sabi pa nya magkanya kanya na lang daw muna kami. kaya nga napapaisip ako ganun na gagawin ko nung nakaraan ko pa naiisip yan dahil sa mga pinaparamdam nya sakin. nakakapagod lang mga sis di ko lang ineexpect na ganito. ang lakas ng loob nya na sabihin na sarili ko lang daw iniisip ko at hindi raw ako nakikisama. talaga ba ako pa ngayon?? pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko, pagtitiis ko.. alam ko na sa sarili ko kung ano yun. let’s just see.. ako lahat lahat ginagawa ko para sa kanya tas gaganitohin nya lang din ako. sana intindihin nyo ako kahit ganito feel free to advice salamat