😭Hydrops Fetalis

Ako naman sobrang sakit po ng pinagdaraanan ko ngayon...21 weeks na po baby ko at nakita sa ultrasound na may hydrops fetalis sya..hindi ko po matanggap na ganito baby ko..waiting nalang daw po ako na mawala heartbeat nya..pero umaasa parin po ako na magiging okay sya as long as may heartbeat pa..sino po nakaranas ng ganito?pls share po..i need your support po.😭

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Hi mommy I experienced it sa 2nd baby namin, possible cause ng hydrops fetalis ay may problem sa heart si baby. Nalaman ko at our 22-24weeks thru CAS ultrasound na butas yung isang chamber ng heart ni baby and malaki yung heart nya 70% ng dibdib nya puro heart and my OB told me na anytime nga pwede sya mawalan ng heart beat at talagang mag mamanas sya kasi ganun yung mga nangyayari sa mga may problem sa heart, nag mamanas. 5 months pa lang akong buntis alam ko na yun and ang hirap lang tanggapin kahit minsan pinapalakas ko yung loob ko I still hope na sana masurvive ni baby. Kay God lang kami kumapit ni Hubby we undergone counseling din with our Spiritual mother and father para maintindihan kung bakit nag kakaganun. Everyday may assurance ako kay baby na okay sya inside dahil once na minulat ko mata ko sa umaga sisipa sya. Hindi ganun kalakas yung movements compared sa mga baby na normal and walang anomaly pero nararamdaman ko na okay sya at lumalaban sya. At my 28 weeks to 34 weeks naging weekly yung check up ko kay OB kasi nga minomonitor si baby and nakita nya na nag start na sya mag manas sa tyan nya and batok and that’s the signal talaga na anytime pwede na sya talaga tumigil so binigyan nya kami options kung gusto namin mag pa cs para makita si baby ng buhay or ipag papasa Diyos na lang kung aabot sya na buhay pag nanganak ako. At first sabi namin try namin normal pero after a while sabi namin cs na lang para makita namin sya na gumagalaw dahil sabi din ni OB hours lang din ang tinatagal ng ganung case complicated kasi masyado case nya. Almost 36 weeks na ko September 1 papa admit na ko sa ER para september 2, 2021 cs na ko. Habang nasa ER ako may mga nirun na test and xray kasi pandemic pa, hinanap yung heartbeat ni baby gamit doppler ilang minutes din yun pero wala na sila mahanap ang sabi ko sa nurse and resident doctor nararamdaman ko sya na gumagalaw kaya baka sira lang doppler nila. Hanggang tumagal ng almost an hour kaka doppler ala talaga tinawagan na nila si OB and nag request ako ng ultrasound kasi nga sabi ko baka sira doppler and I still can feel my baby. While waiting sa OB ko kasi sya din mag ultrasound sakin, nag ppray ako sa Lord na iready yung heart ko na iready ako emotionally na sana matanggap ko yung result sa ultrasound. Kapag inuultrasound ako ng OB ko nakikita agad yung heart ni baby na tumitibok kasi nga malaki yung heart nya, pero that night nung inultrasound wala na, wala na talagang heartbeat si baby di na gumagalaw yung puso nya. Siguro ayaw nya lang din ako ma cs dahil mahihirapan ako mag pagaling habang nag mmove on dahil di ko sya kasamang uuwi. Ang bait lang din ng angel namin dahil talagang lumaban sya e pero nung alam nya na masasaktan akk dahil sa cs talagang nag give way sya para di ako mahirapan ng sobra. Nainormal ko si baby september 3 pero di talaga sya gumalaw. Hindi ko din nakita yung face nya mga braso nya lang na walang buhay pag labas nya tas sabi ko patulugin na ko kasi naiiyak na talaga ako. Ang sakit sakit pala talaga mawalan ng anak, baby pa lang sya pero nawala na sya agad kaya bga sabi nila wala talaga sa idad kung hanggang kailan ka dito sa mundo. Sis ang ma aadvice ko lang sayo pray ka lang ng pray if may mga tao dyan na kaya ka support spiritually please seek help din sa kanila. Sobrang mahal lang talaga ni Lord ang mga baby natin kaya ganyan sobrang perfect nila kaya gusto nya din maksama agad. Tatagan mo lang loob mo din sis may plan ang Lord. If para sayo si baby ibibigay sya sayo ni God.

Đọc thêm
2y trước

Nararamdaan ko na po ito ngayon, sobrang sakiy po nyan.🥺 Parang ang hirap hirap tanggapin.🥺

Hi po, this case is familiar to me. Meron pong kasama ang 1st born ko sa NICU last 2021 na hydrops fetalis (but sa lungs part po yung sa kanya) tapos umabot naman sa fullterm yung baby niya, na operahan nga lang yung baby, tapos hindi na pwed mag lift ng heavy weights kapag lalaki na yung baby. Gaya ning sayo sinabihan din yung mommy ng baby na baka mamatay talaga yung baby niya. Pero I am not giving you false hope po, baka magkaiba lang yung case nong baby na yun kasi naka survive po siya after birth and operation and was able to out from NICU, yung baby na din yun yung heart niya wala sa right position. But baka iba po severity nong sa inyo Mommy. This news might really hard for you and your husband lalo kana po, but I pray that the Lord will strengthen you mommy for whatever will happen in the future. We cannot fathom what and how you might be feeling right now, but please know that mahirap man ngayon tanggapin kasi walang assurance yung life ng baby niyo, take all the time that you need po. We will pray for you and your baby.

Đọc thêm

may mga nag ssurvived super minimal. maraming hindi. according to google.. immune system mo kasi mismo sumisira sa red blood cells ni baby. naitanong mo ba if may chance pa? naitanong mo din ba na if ever mag survived sya eh normal sya lalabas? you can search sa search bar mg app na to and hydrop fetalis lalabas lahat ng may mga naka experience nito mi.

Đọc thêm
2y trước

andami dami ko pong tanong kay doc pero luha ko nalang lumalabas😭😭😭

dito sa philippines po kasi super rare ng case na nagsusurvive upon delivery kahit preterm kasi ang problem po sa ganyan yung baby may mga anomalies po ang mga organs nya... and sa healthcare natin dito sa philippines kulang na kulang talaga sa technology.. unlike sa ibang bansa.. pray lang Mi.. 🙏🙏🙏 masakit at mahirap pero dasal lang po..

Đọc thêm
2y trước

Ang sakit sakit po..ang sakit na hinihintay ko nalang na mawala heartbeat nya na wala manlang ako magawa😭😭😭

eto talaga kinakatakot ko 😭😭😭 kaya kahit sabi nang ob na 1month bago ang balik ko diko ma pigilan mgpa check up kahit dipa nang 1month paka tatag po kayo mi sana po maging ok pa baby nyo na ranasan ko mawalan nang baby kaya ramdam kopo kayo😭😭😭😭😭💔💔💔💔

stay strong momsh, isumbong mo lang kay lord lahat hanggang sa mawala yung sakit, ganyan din ako dito,pero yung case ko fetal demise. sobrang sakit talaga mawalan ng baby. Hayaan mo momsh ibibigay din yan ni lord ulit. Basta pray ka lang lagi wag mawalan ng pagasa.

I feel you momshie, 5years ago uncephaly din yung sa akin! Nalaman ko rin sa ultrasound ko,noong pinang anak kuna namatay talaga yung baby ko, ni hindi ko tiningnan hindi ko kasi matanggap na ganoon!Be strong, and keep praying nlng po! Mas OK na alam mo na! 💔

hi mommy. be strong. ☺️ Hindi Rin Ako familiar sa ganitong case until I've seen ur post. God has plans for you both. pakatatag ks for your baby and yourself. ❤️

Like niyo po si doc arbie sa fb ob perinologist may topic siya about diyan

Bakit ano daw po cause? Di po ba kau regular nagpapacheck up?