SAMA NG LOOB KAY MIL..

ako lang po ba nakakaramdam ng ganito?sa bahay kase ng hubby ko kami nakatira..kaya nakikita or napupuna ako ng mil ko..sa tuwing may bibilhin kase ako na mga gamit or damit para kay baby..nakikita ko po sya na nakaismid or nakasimangot..tapos ng bumili naman po ako ng nursing bra parang di rin ok sa kanya kase dumating yung pinsan nya at nakita nito na nakasampay yung nursing bra na nilabhan ko..narinig ko yung mil ko at pinsan nya na nag uusap..sabi ng mil ko na sya raw pag umaalis naman dati nagbobote sya..di raw sya nagpapadede sa labas..kaya parang ang dating saken eh di ko naman kelangan ng nursing bra kase nasa bahay lang naman ako tapos pag lalabas gagamit naman ng bote at di naman magpapadede sa labas..tapos ng sinabi ng byenan kong lalake na kelangan pa raw palang bumili ng diaper para sa baby..sabi naman ng mil ko na hindi naman daw yun kelangan pa kase di naman daw idadiaper ang baby sa hospital pagkapanganak..lampin lang daw naman ang gagamitin..tapos sinabihan nya pa ako na wag ko na raw susundan yung baby namin..kaya wag na raw ako bumili ng mga damit ng baby..tama na raw yun..nakakasama lang ng loob..kase iniisip ko lang naman yung para sa anak ko..at parang lage syang kumokontra..tapos sabi nya girl daw to at ng malaman nya na boy parang nadisappoint sya..sabi nya anu ba yan..lalake nanaman?puro na lalake nandito sa bahay..kase mga anak nya mga lalake..isa lang ang babae..eh first baby ko palang to..minsan sumasama lang talaga loob ko lalo pa pag kumokontra sya tungkol sa baby ko..

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Omg momsh nkakastress nga. The only way dyan is bumukod po kayo dahil mas magging worse yan pag andyan na si baby.

5y trước

sana nga momsh eh..yun din inaalala ko..

Isa lang solution momsh.. bumukod na kayo..

5y trước

ayaw naman ni hubby ko na bumukod kami kase wala pa raw kami ipon at pang bukod..siguro kelangan ko nalang muna magtiis sa ganito..minsan kahit pinupuna nya ako..dinededma ko nalang..