Depression

Ako lang ba dito yung nalabas ang depression sa madaling araw like ngayon 2am iiyak ng palihim..1month and 2weeks palang baby ko 3weeks palang sya napansin ko na parang may halak sya then 3days before sya mag 1month pinacheck up ko..4meds nireseta sa kanya..tsaka ko nalaman kapag nag papabreastfeed ka maiiwasan ang sipon ubo or mga pangunahing sakit para sa newborn kaya sinisisi ko sarili ko bakit di ko kaya mag pa breastfeed ang sakit sakit lang sa feeling na magigising ako ng ganitong oras para timplahan ng milk si baby tapos mararamdaman ko yung halak nya at hirap sya huminga habang karga ko sya..yung gamot naubos na pero yung sakit ng baby ko parang di naman natanggal..gusto ko sya dalhin sa pedia pero dahil sa takot ko sa pandemic na to hindi ko magawa..wala narin kami budget para mapacheck up si baby kasi kakabalik lang ng asawa ko sa trabaho..ang sakit lang bilang nanay na wala akong magawa para sa anak ko..tapos wala ka makuhang comfort sa asawa mo..imbes na tulungan ka sa pag aalaga puro ML inaatupag nya!!!! madalas na ko matulog ng hindi sya kinikibo kahit pa sabihin ko sa kanya mga rant ko ang lagi nya lang sagot "to naman parang ewan" di ko na alam gagawin ko mga momsh FTM ako..minsan nakakaisip na ko di maganda 😭😭😭lalo lang ako nadedepress. help naman po ano dapat ko gawin.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

dalhin nyo sa pedia po si baby momsh habang hindi pa malala ang ubo, maliit pa po kc hindi po marunong magluwa ng phlegm ...tanong kayo anong mabisang gamot..., itanong nyo anong vitamins at itanong nyo if pwd ba bigyan ng water si baby at paano po ang pagbigay ng vitamins.... kawawa nmn ang liit liit pa po momsh ni baby, wag nyo pong hayaan na matuyuan ng pawis sa likod lagyan ng tissue po yes po breastfeeding is best for baby po momsh..

Đọc thêm
5y trước

baka po next month ko pa sya madala sa pedia 😭😭😭 grabe po talaga mag pawis mana sa tatay nya kahit ako todo kumot kasi sa lamig ng panahon sya pinag papawisan parin

Sis bakit hnd mo ibreastfeed si baby? Its not too late bukod sa mas healthy un makakatipid ka pa. Saka nakakawala din ng stress ang pagpapasuso. Wag ka mawalan ng pag-asa.

5y trước

almost 1week na si baby nung nagkagatas ako kaya nasanay sya sa bottle pero nag tyaga ako mag pump. patagal ng patagal nawawala yung gatas ko as hanggang ngayon nastop kasi wala na ko napapump. isa pa yun sa stress ko pangarap ko maging breastfeeding mom lahat ginawa ko buntis palang ako 😭😭😭