sakin naman hindi na rin ako bumili ng mga pampashala ni baby. Ang pinaprioritize ko lang diaper. Konti lang din yung binili kong damit para sa kanya kasi di din ako sure baka biglang-laki si baby. Another example, yung mga wipes na yan, hindi naman talaga yan totally needed eh! bulak lang tsaka water para malinisan si baby in case of poo. Nung araw ba natin may wipes na ba, diba wala pa?! Hindi pa din uso dati yung baby detergent. perla lang sapat na. be practical nalang talaga dipende sa budget. eh kung may kaya naman, why not diba?!
Same mi. Ang dami dami kong nakikitang soon-to-be moms na hoarding na agad ng baby items. Ako din, tig-iisa muna ung binili ko, kasi hiyangan talaga yun eh. Naghoard ka nga, nasulit mo nga ung mga sale, tapos ending hindi naman nahiyang ung baby mo. Paano na? 😅 pero sa clothes medyo napadami bili ko, ang cucute kasi eh 😅😆
Ako essentials lang muna binili kasi mabilis na din naman bumili online ngayon. Sayang din kasi kung hindi naman magamit. Sa newborn clothes naman, konti lang daw talaga bilin muna (unless walang maglalaba agad hehe) kasi baka kalakihan agad ng baby. Meron daw 2 weeks palang ang size na kasya 3-6 months na.
hindi mo talaga magagamit lahat kaya nag gugulat ako lalo na sa mga ftm ang dami bumili lalo na kapag sale .. ika nga nila pera naman nila yun .. Mas importante kung ano lang ang need di nauubos ang sale sa lazada at shopee tiktok makakabili pa rin kpag nkalabas na amg baby
Same. Ako nung nakumpleto ko na yung mga gamit ni baby di na ako bumili pa ng iba. karamihan ng gamit nya mga hand me down ng mga pinsan tsaka mga anak ng kaibigan namin ni partner. ok na yun, makakalakihan din naman nya. importante lang may magagamit.
huwag madami ang bilhin nyo lalo na sa damit ng baby kasi sakin halos hindi nagamit dahil mabilis lumaki si baby lalo na sa diaper nya ang dami kong binili na new born and ending pinamigay ko din kasi hindi n kasya
Hahaha so true! Maigi mag invest ng gamit pag malaki laki na ang bata saken din sobrang limited ng pinrepare ko na gamit yung alam kong need lang talaga since on budget lang muna sa ngayon.