Ako lang ba?

Ako lang ba may baby na ang bilis magsawa sa laruan. Like mga 5mins lang nya lalaruin tapos di nya na ulit papansinin 😂 mas gusto nya mag ikot ikot sa bahay eh. #firstbaby #1year1month

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan po ata talaga, mas gusto pa nila yung box kaysa sa actual toy 😅 As he grows, unti-unti na nyang ma-appreciate yung mga toys, although may lifespan lang din talaga 😅 Ang gawa ko, hindi ko nilalabas yung lahat ng toys nya, nakatago yung iba and niro-rotate ko para parang bago ulit sa paningin nya after a week or two 😁 Feeling ko rin kasi over stimulated sya kapag sobrang daming toys sa paningin nya, lalo sya nawawalan ng focus. Mas nasusulit namin yung mga books (as long as hindi nya mapunit 🙈). Now at 2yo, stop muna ko sa pagbili ng mga toys, sayang lang eh. Kung bumili man ulit ako, yung educational or sensory like puzzles, kinetic sand, clay. So far, iyon lang yung medyo nalalaro nya nang matagal-tagal. Pero nung 1yo sya, more on pag-pukpok lang ang naenjoy nyang toy 😅

Đọc thêm
1y trước

Basta huwag mo muna sukuan yung mga toys nya, try again some other time at ma-appreciate din niya yan later 😄 As for books, basta may visuals, ok naman sa lo ko. Ideal ang board books para may laban sa punit (although, nasisira pa rin nya 😭). Ok mga basics na ABC, 123, etc. for first words. Eventually, maganda ring activity kapag nagsisimula na syang makapagsalita at maka-identify. We also enjoy mga illustrated story books, kahit hindi pa nya kayang basahin, it's a good bonding session for our bedtime stories. Natutuwa rin ako kapag na-appreciate nya yung humor/ "emotions" nung story. Ok naman sa amin yung mga cheap storybooks sa online shopping, ang mahalaga ay makulay ang illustrations. At dahil sa affordable, nakakabili ng marami para nairo-rotate at iwas sawa rin tulad ng toys ☺️

Saglit lang ni baby ko nilalaruan tapos I huhulog na niya at ayaw na niya laruin ang toys niya 😆

1y trước

dibaaaa, nakakahinayang po haha pero nakakatuwa naman na mas gusto nila magexplore sa bahay.