Labeled as the not so Favorite Parent by inlaws

Ako lang ba ang naiinis kapag paasar na sinasabihan yung baby mo ng mga inlaws mo na hindi ka favorite parent? Ako yung full time mom at ung anak nila na tatay ng baby ko ang "favorite daw" dahil sakanya tumatawa ang baby at nakikipagusap. Syempre yung times na nakikita nila ito ay twing nagvivideo call lang sila ng husband ko, at yun lang ang panahon na di ko hawak ang bata sa isang araw. Di nila nakikita twing nakikipag laro at nakikipagusap ako sa baby ko kasi dyahe naman akong ivideocall sila noh. Nakakainis lang kasi Nala-label ako na hindi favorite at kalaunan pakiramdam ko kapag nagkaisip na ang bata at ganito pa din tinuturo ng mga lolo at lola nila, baka magkaroon ng label sa akin na "bad parent" dahil hindi ako favorite. Naiiyak ako palagi kapag naiisip ko ganito. Kanina sabi nila habang hawak ko si baby "hindi masaya kay mama noh? Si daddy lang favorite noh?" di ko napigilan umalis sabi ko nalang mag-cr ako pero na offend ako kahit alam kong palabiro talaga silang tao #favoriteparent #favoritism #inlaws #momlife #mommy #ftm #rant #baby #postpartum

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời