Labeled as the not so Favorite Parent by inlaws

Ako lang ba ang naiinis kapag paasar na sinasabihan yung baby mo ng mga inlaws mo na hindi ka favorite parent? Ako yung full time mom at ung anak nila na tatay ng baby ko ang "favorite daw" dahil sakanya tumatawa ang baby at nakikipagusap. Syempre yung times na nakikita nila ito ay twing nagvivideo call lang sila ng husband ko, at yun lang ang panahon na di ko hawak ang bata sa isang araw. Di nila nakikita twing nakikipag laro at nakikipagusap ako sa baby ko kasi dyahe naman akong ivideocall sila noh. Nakakainis lang kasi Nala-label ako na hindi favorite at kalaunan pakiramdam ko kapag nagkaisip na ang bata at ganito pa din tinuturo ng mga lolo at lola nila, baka magkaroon ng label sa akin na "bad parent" dahil hindi ako favorite. Naiiyak ako palagi kapag naiisip ko ganito. Kanina sabi nila habang hawak ko si baby "hindi masaya kay mama noh? Si daddy lang favorite noh?" di ko napigilan umalis sabi ko nalang mag-cr ako pero na offend ako kahit alam kong palabiro talaga silang tao #favoriteparent #favoritism #inlaws #momlife #mommy #ftm #rant #baby #postpartum

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

aay sis dpat sagot mo " Naku ma kapag 2 lang kami nyan napaka happy ng bata diba baby?" barahin mo din! walang mangyayari if manahimik ka dyan at iiyak lang. tpos if merin kayong videos ng baby mo na masaya or nagtatawa sayo irecord mo tpos send mo. Ganun! o kaya sabihin mo "Si baby love and mommy and daddy, Dpt love pareho pra everybody happy" ganyan sis. Aguy pra marealizrd nila mali pinagsasabi nila.

Đọc thêm

ang byenan ko din na hilaw, ganyan sya. kahit andyan ako, pag umiyak ang baby sasabihin "wag na iyak ayan si papa mo oh." laging ganyan. parang ang dating ang iinintroduce lang nya yung anak nya. hehe nakaka offend talaga maski ako ganyan din. hmp

Ang hirap nga po ng ganyang situation mommy. Favoritism na topic po talaga ay hindi maiiwasan pero try po natin na iopen up din sa kanila kahit little by little yung concern po. I weigh niyo po how they react as well.

sbi nga nila respect must be earn. pag ganyan ewn ko lang. buti nga nd mo nssagot e baka ako masagot ko p yan