normal pba to ?
akala ko after ma inuman ng pampakapit within 7 days magiging ok na kampanti pa nmn ako sa result ng ultrasound kc normal lang at wlang problema pero bat ganito#pleasehelp #advicepls
SKL mi ❤️ sorry kung mahaba . Raphaela - God Heals Louise - Warrior My Raphaela Louise 💗 EDD : Oct 9, 2021 DOB : Oct 4, 2021 3100 Grams Via Normal Delivery 😊 Hanggang ngayon Baby , Hindi ako makapaniwala na andyan kana . Sobrang saya namin ng dumating ka . Mahal na Mahal ko kayo ng kuya mo anak 😘 Parang kelan lang . 4 na buwan kona nalaman na buntis ako syo . Pero puro problema na agad . Lagi akong nag Bi Bleeding . Kada ultrasound , trans v . okay naman . mataas inunan at healthy ka . Pero di malaman bakit ako nag bi bleeding mnsan patak patak , mnsan buo buong dugo 🥺 mnsan para nkong may mens sa lakas eh . pa palit palit tayo ng resetang pampakapit . at talagang Bedrest lang ako . nung 26 weeks iihi lang ako pero sobrang akit ng puson ko , pag kita ko ang dami ng dugo kaya punta ng ospital , pag IE open cervix daw . iyak ako ng iyak natatakot ako bka mapano ka anak . Niresetahan ako ibang pampakapit . napaka gastos linggo linggo din ang checkup , Pero sbe ko kahit maubos kahit wala ng matira sten bsta okay ka anak . 28 weeks nag saksak tayo ng 2 dose ng steroids pang matured ng Lungs kung sakali daw maaga kitang ilabas , knausap ako ng OB . sbe mag Handa daw ako ng 90k ksi pag dpa nwala Bleeding 34 weeks mag emergency cs na . Dpa daw ksama Incubator . kaya umuwi ako sa Bulacan , Don sana ako sa Ospital kung san ako nanganak sa panganay ko ksi kompleto don , kaso Dina pala sla natanggap ng pasyente don puro may covid nalang , kya nag hnap ako ng Clinic . sakto meron dto malapit smin . OB talaga sya . Pinalitan nya ako ulit ng Bagong pampakapit , inalagaan nya din ako Every 2 weeks Checkup , Hanggang sa nwala yung Bleeding saktong 36 weeks pinatigil din yung Gamot na pampakapit . Kaso HB ako , Knakabahan ako ksi Posible na sa Ospital talaga ako manganak , 170/120 Posible din na ma CS . Pero sabe ko Bahala na . Bsta mairaos ko lang si Baby ng maayos . Alam ko nman di kmi pababayaan ni Lord eh . salamat sa pag laban mo kasama ko . salamat ksi kumapit ka dimo ako binitawan sa panahong dko na dn alam gagawin ko , sa panahong muntik na akong sumuko . andyan ka sisipa sipa gagalaw galaw . alam kong sinasabe mo Lalaban tayo . Kaya salamat anak 💗 Higit sa Lahat sa panginoon na hndi tayo pinabayaan 💗🙏 lalo pag labas mo habang nililinisan ka bgla kang nag pupu . napaka buti nyo panginoon . ❤️
Đọc thêm1 day delayed palang ako nun then nag pt ako positive siya agad naman ako nagpa check up sa OB ko para bigyan ng vitamins and pampakapit duphaston yung binigay sakin (for 2 weeks 2x a day) pero pagka 6 weeks ko nun nag spotting ako brown discharge pero di gaano karami , on and off yung spotting 4x ko naranasan yun kaya pumunta agad ako sa OB ko nireport ko sakanya yung experience ko then nireseta sakin ulit duphaston for 1 week and isoxilan for 2 weeks naman 3x a day ko sila etake then pina bed rest ako kasi dahilan sa may nakitang subchorionic hemorrhage yung tvs ko pero normal naman si baby kailangan lang mag bed rest and etake yung vitamins at pampakapit sa tulong naman ni Allah nawala yung spotting ko and nawala nadin yung subchorionic hemorrhage , 15 weeks nako ngayon momsh . Hindi naman siguru tayo ipapahamak ng OB natin kasi alam rin naman nila yung ginagawa nila basta sundin lang natin advice nila para sa kapakanan natin 🙂
Đọc thêmyes sis un dn ang reason stress at pagod s gawaing bahay.awa ng Diyos ng stop n un bleeding ko ngaun..
It's depends siguro momshie. Kase ako nung 7weeks palang yata ako or 9weeks na nagpa tvs ako. Bumubuka daw cervix ako kaya agad pinabedrest ako at inum ng pampakapit for 10 days. Then pinastop na saaken akala ko okay na kaya sige ako sa gawain bahay at agyat baba sa house namen. 5months nung nag spotting ako then er agad ako. Tas may tinuruk sila saaken pampakalma daw ng matres at para di mag pre term labor. Kinabukasan patak na talaga yung dugo ko. Er ulit ako tas ie ako bumubukas daw cervix ko. Kaya na admit ako for 1day.tas diagnosed saaken is placenta previa. Pero okay naman si baby naka suhi nga lang sya kaya dumudugo din daw ako daw sa sipa nya. After nun pina inum ako ng pampakapit for 2weeks at yung pampakalma ng matres. Thank God ngayon okay okay na halus 1 month bedrest ako. 23weeks na ako ngayon.
Đọc thêmi had the same experience sa 1st baby ko. After ko na confirm ang pregnancy sa ultrasound 6weeks yon. Binigyan ako ng pampakapit ng OB, kasi daw nag momotor ako. After 1 week, may lumabas na brown discharge sa akin na tumulo talaga. Medyo natakot ako kaya bumalik ako sa kanya. Advice to admit ako nun para sa IV idaanan pampakapit. Ngpaadmit naman ako tas after discharge continue pag inom ng duphaston while bedrest. So far naging okay naman. Pero na compare ko sya sa 2nd pregnancy ko, hindi ako binigyan ng new OB ko ng any pampakapit, 7weeks confirmed na preggy ako. Hindi rin ako ng spotting. 11weeks preggy na ako ngayon. Yun lang experience ko share ko lang. Pero pray ka mommy. I know kaya mo yan. Punta ka agad OB or pwede ka hanap ibang OB
Đọc thêmNagkaspotting din po ako pero konti lang then isang araw lang. Binigyan ako ng duphaston. 3xa day for 2 weeks. Then binigyan din ako ng utrogestan (progesterone) na pinapasok sa pwerta 2xa day for 1 week. 2 weeks bed rest. Okay naman po ako ngayon at di na nagkaspotting. Need din po na may kasamang bed rest. As in tatayo ka lang kung ccr at kakain. 9w5d preggy here. Okay naman ang baby ko. No bleeding sa loob and okay ang heartbeat. Pray lang Miii. Di ka bibigyan ng OB mo ng makakasama sayo. No to stress and negative thoughts. Kung dinudugo ka padin, magpaER ka po para macheck ka ulit at si baby.
Đọc thêmyung pampakapit po na duphaston, safe po sya. kaya po sya nirereseta ng doctors nag spotting po ako for more than a month, lagi ko iniinform OB ko about spotting kaya ginawa nyang 3x a day yung akin dati, tapos may kasamang isoxylan pa plus bed rest, bawal din po ang sex, bawal muna mamasyal. thankfully ok naman si baby. 6 months na po sya ngayon sa tummy ko. praying for you mommy.
Đọc thêmbasta never pong magiging NORMAL ang spotting mommy. inform your OB asap
Nag bedrest kaba momsh? Yun dn tlga ang isa sa mkakahelp sayo at kay baby bukod sa mga pampakapit na reseta satin ni OB. Bedrest tlga and hndu muna mag iiisip also avoid those things na alam mong mkakapag bigay ng stress sayo. Kasi my OB told me na kaht bka bedrest ka kung isip ka dn nmn ng isip is wala din.... Pray lng momsh and kausapin mo si baby...
Đọc thêmsame po tayo maselan po pinagbubuntis ko 7 weeks preggy po ako at nagtatake ako pampakapit sabi ng dr ko sumugod daw po ako sa hospital just in case na mag spotting ako o kahit konting dugo lang lumabas sakin para masave papo ang baby kahit madaling araw padaw po yan kaya po punta napo agad kayo sa hospital kapag ganon
Đọc thêmsame dati binigyan den ako pampakapit nun sinunod ko Kaso nakunan ako nun sa una kung anak di MN lng ako pinaultrasound kung kamusta baby bleeding na ko ee 2 days lumabas sya 5 months na tyan ko nun maagapan ko sana Yun kung dinala Pako sa hospital pero walang kwentang ob napuntahan ko.
may mga baby po tlga na mahina ang kapit khit uminom kayo ng pangpakapit wla din po yn kung mahina ang kapit ni baby ..at minsan din po mababa ang matress kya nakukunan tau ..at khit makapit c baby kung mababa rin ang matress natin wla prin po makukunan at makukunan tlaga po..
ako din mamsh niresetahan ako pampakapit nakabili na ko lahat lahat nung malaman ng pinsan ko sabi nya wag ko inumin kasi pag d kaya rin ng katawan mo yubg gamot mas lalala lang kay d ko tinake ngayon 5 months na tummy ko