MIL convo
SANA PO MAY MAKAPANSIN ahm open up ko lng po dito yung gumugulo sa isip ko . ahm nakatira po kc ako ngayon sa family ng asawa ko kc po buntis ako .at yung asawa ko ay nasa abroad . bagong kasal lng po kami at biniyayaan agad ng baby . ahm habang nakatira po ako dito nagpapadala po sakin ng bukod na pera ang asawa which is normal lng naman po dba kc asawa nya po ako . pero dahil panganay sya sa kanya lng din po umaasa ang pamilya nya .may konting negosyo sila pero mukang hndi rin sumasapat kaya buwan2x din nag susustento ang asawa ko sa kanila hindi naman po ako tutol dun dahil family nya parin po sila at dito nga din po ako nakatira sa kanila . ang sakin lang po is parang nababagabag po ako kc parang madalas po yung pagpaparinig ng MIL ko na wala na syang pera, keso mahina ang negosyo at minsan nagkikwento sya ng mga storya ng kamag anak nya na umaasa lng din sa mga padala ng kamag anak . feeling ko lang po kc nagpaparinig sya sakin na parang isa din ako sa mga umaasa lng sa padala ng anak nila ? kase wala akong work pinag resign po kc ako ng asawa ko . binabagabag po talaga ako ? nag ooberthink lng po ba ako or may meaning po tlga ung nararamdaman ko ngayon .