Bell's palsy

After 2 months halos pagaling na bell's palsy ko. Thank God nagiging maayos na kondisyon ko. 3 days after ko manganak don ko naramdaman na namamanhid kanang mukha ko. After a week naging paralized na talaga siya. Nung una dinamdam ko talaga dahil masakit pa din tahi ko due to CS tapos ang painful din ng bell's palsy. Para kang may migraine at toothache sa sakit. Tapos wala pako kapalitan mag alaga kay baby kaya puyat at pagod. After taking keltican everyday at nagpe-facial therapy (facial exercises from youtube) nakakangiti na uli ako ng pantay. Konting pain na lang ang natitira. Si baby, lakas ng loob at prayers ang naging rason para gumaling ako. Ang bell's palsy po ay nakukuha sa lamig or sa virus. Kaya po sa mga bagong panganak mag-ingat po. Wag po hayaan malamigan o ma-expose sa possible may any type of virus at wag magpapa-binat.

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy, kelan po ito nangyari sayo? Sobrang bagsak po ng mukha nyo? 3weeks postpartum Cs din ako, ng magkaroon, as in now lang po. This tues lang po nangyari, d ako masyado aware sa bells,

good day pwede po ba itake ng nag papa breastfeed yung keltican ?

Fight! Thank you po sa paalala mommy.