Low Breastmilk supply

Hi, any advise po para lumakas ulit yung breastmilk supply ko? Currently taking Mamalac pa din as advised by my OB & malunggay na may sabaw at gulay. Pero mahina talaga kapag nagpump ako. Simula sya nung nagstart ako bumalik sa work. Pero buong magdamag sakin nagdidirect latch si baby. 4months postpartum. #pleasehelp #firsttimemom #advicepls #advicemommies

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy and well-hydrated ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at hindi sa dami ng napu-pump. Kaya kailan po regular ang pagpu-pump nyo sa work (at least every 3hrs), yung tipo bang iisipin ng katawan nyo na si baby pa rin ang nagda-drain ng boobs nyo. Try doing breast massages po before pumping, and look at photos and videos of baby para mastimulate ang milk flow. Kung nagfo-formula po si baby while you're at work, makakadagdag rin po iyon sa paghina ng milk nyo, dahil it means less breastmilk na ang ico-consume ni baby from you. highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ Correct and proper knowledge on breastfeeding is way more effective than any milk boosters in the market ☺️

Đọc thêm
10mo trước

thank you so much po sa nakakabusog na advise mommy! ❤