Moms mental health

#advicepls Pano nyo nahahandle pag nakakaramdam kayo ng lungkot. Di ko alam pero parang lagi nalang ako malungkot, di makalabas dahil my baby 22mons old. Lagi lang sa bahay pati tuloy asawa ko napag iinitan ko n ng ulo i feel so alone and tired. Ugali ko pa ayoko nag oopen sa nga kakilala/kamag anak kasi ayoko nung after ko magsabi kung ano ano sasabihin syo na prang di naman nakakatulong. Minsan dko na din gets sarili ko. Now im mad,sad disappointed na ewan then later im fine happy,.. contented. Kaya ayoko nagsasabi sa kakilala baka makasama lang. Pero yun nga nrramdaman ko sya time to time.. Feeling ko preso ako na dinadalhan/binibilhan nalang ng pgkain, iiwanan ng pera. Uuwian pero ewan i feel empty. Dko alam gagawin ko na ayokong kumausap ng kakilala. At feeling ko din naman busy sila. Nakakatawa pag sila my problema ang galing ko mag advice isang chat lng nila nkareply na ako tapos pag ako na feeling ko wla naman akong pdeng makaramay. Kung wla lang ako anak for sure suicide will be my option. Thank god meron. Ngyon umiiyak ako lalapit sya ihhug ako then im back to reality. #1stimemom #LifeOfAMom

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ako sis e2 nila2banan ang PPD post partum depression,sa sobrang hirap at sakit ng naranasan ko sa panga2nak,na cs kc ako at sobrng sakit pla at tagal ng recovery pag na cs k,ung feeling n ma3tay kna at iniisip ko prng may mali sa katawan ko n baka may sakit n akong malala,acidic din kc ako at hirap tlg pag my acid repluxes lalo n sa gv. Ganyan din ako ndi lumlabas ng bahay at ndi ko rin sinasabi sa mga kasama ko sa bahay mga nara2mdaman ko sinasarili ko lng,minsan gusto ko nlng umiyak or sumigaw,panic attack is hell,ung ang bilis ng tibok ng puso mo. Ang hirap sis,sobra...😢

Đọc thêm
4y trước

kaya nga kahit ayaw mo bigla ka aatakihin ng lungkot at kng ano anong negative thoughts, hugs mommys malalagpasan din natin to at makakalabas din tayo hahaha.

parang same situation tau sis.. nalockdown din ako dito sa napangasawa ko. laging sa bahay lang, walang kausap, ang lungkot, parang walang excitement. pero nd ibig sabihin nd ka masaya sa anak mo.. sobrang blessing ang anak ko syempre.. sya dahilan bat andito pako❤️ sya ang gawin mong inspiration sis, ang anak mo na bigay nang Diyos, anghel na naghugis tao❤️❤️❤️ God bless mommies

Đọc thêm
4y trước

tama, syempre happy sa baby pero di mawala ung ganito pray nlng talaga or minsan iiyak ko mya mya ok na. pero may times na matindi parang napakasakit sa puso masyado hay ewan hehe

Thành viên VIP

I feel you po, mommy. 2 month old po baby ko and I feel happy and contented naman. Pero same ng sayo, at times ang lungkot ko, mainit ulo and kung ano ano pang nega vibes. What works for me po to feel better is meditation, then talk to my newborn and first born (5 years old) 😊 Sabay din po kami nagpipray ng panganay ko and it helps a lot. Also, eat your comfort food din hehe

Đọc thêm
Thành viên VIP

Lord I pray, lahat nang nanay na sana matulongan nyong malapasan ano man ang pingdaraanan nila. and wag na wag nilang kakalimutan ang halaga nila, halagang nd matutumbasan nang ano mang bagay sa ibabaw nang lupa. all mother are great warrior. lets support each other. nd man sa personal, pero sa prayers malaking tulong na un😌

Đọc thêm
4y trước

amen mommy, thank u❤

Thành viên VIP

Me i always pray. Tapos ngayon.. inoopen ko lahat kay hubby. Kaya kanina binigyan nya ko ng me time. Ako muna pinamalengke nya. Iba pa din kase nga mommy pagnakakalabas tayo. Yung may ibang environment naman kahit saglit lang.

4y trước

totoo kaso di ako pwede umalis ng di kasama si baby. bfeed sya super clingy. kaya lakas maka preso ng eksena ko😕 at andto kami sa side ni hubby due to pandemic malayo s parents ko/hometown ko kaya iba wla dn halos kakilala.

naranasan ko na sobrang lungkot ako iyak lang ako ng iyak pero nilalakasan ko ang loob ko para sa anak ko. at kilangan my kasama ka at makakausap