#mommy and baby

#advicepls Palabas po ng sama ng loob mga momshie yung mama ko kase laging siya nalang gusto ng baby ko first apo kasi nila si baby so ako proud naman na nakikita kong mahal na mahal nila si baby lahat ng atensyon sakanya. Kaso napansin ko na habang tumatagal parang nalalayo loob ni baby saakin lalapitan ko palang sila ni mama umiiyak na siya kasi alam niya kukunin ko siya sa lola niya. Though katabi naman kami ng daddy niya matulog sa gabi kaso pag gising niya pag ako nakikita niya iiyak na agad siya tapos tinuturo na niya yung pinto means nagpapalabas na siya. Di siya titigil kakaiyak hanggat di siya kinukuha ng lola niya. Wala siyang ibang gusto kundi ang lola niya. Nakakainis lang kase parang pakiramdam ko wala akong kwentang ina. Di ko alam kung may kulang ba sakin or ano kasi di naman kami naghihiwalay eh di ako nagwowork kaso ayaw talaga niya saakin 😭😭😭😭 salamat mga momsh TIA sa advice niyo.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Use this moment para makapagMe time ka mommy. May nagsabi saken di ibig sabihin na ayaw saten sumama ng baby ayaw na saten. Confident na lang sila at secure sa pagmamahal naten kaya ganun. Tayo ang nanay, asa tummy naten sila ng 9 months kaya mas close sila saten. Siguro try mong more bonding time kayo ni baby. Sali ka sa kanila ni mommy mo pagnagbabonding sila hanggang sa 3 na kayong laging magkakasama. Eventually.. di na iiyak si baby paglalapit ka kase di na nya maiisip na ilalayo mo sya sa lola nya. Ang maiisip nya magpeplay kayong 3.

Đọc thêm