13 month pay
#advicepls nakuha ni mister 13 month pay nya.. Halos lahat napunta lang sa pamilya nya.. nag eexpect pa naman sana ako na may mahawakan kahit kalahati pang gastos lang sa pangangailngan namin hanggang nxt sahod nya wala na din kasi akung hawak na pera pambili ng makain namin pag nagutom .. nakapag grocery naman kami ng mga ready to cook like noodles.. at delata.. ilang piraso😭💔 Ewan ko ba... pakiramdam ko makasarili ako.. Pinadalhan namn ng kapatid nya nanay nya.. sumahod din ate nya mag aabot din sa nanay nya.. nung sahod ni misternag abot din kami at kami din sagot pag walang ulam... nag expect lang talga ako na may mahawakan o mahingi kahit papano sa sinahod nya(13 month pay) kasi wala na din ako para ma budget ko sana hanggang nxt sahod nya... sorry po kung my mali ako sa part. Na ito.. never ko naranasan mahawakan buong sahod ng asawa ko...kaya ko naman mag work kaso di ko pa maiwan si baby 1 year old.. magulang ko nasa probinxa di ko rjn maiwan sa pamilya nya si baby kasi alam ko mapapabayaa nila.