Child Behavior

Hi advice naman ng pwede kong gawin, ung son ko 2 years and 4months old,hindi ko sya maisali o maihalo sa ibang bata sa mga playground kasi lagi syang nangangagat at nananakit, diko po alam bakit naging ganun sya samantalang dati naman po ay naiintindihan nya na bawal manakit, ngaun pag may kalaro sya kahit pa mga pinsan nya lagi sya nananakit ,Pero pag mag isa naman po sya ay okay naman ang paglalaro nya.minsan napapalo ko na sya lalo pag may ibang mommies na nagagalit dahil sa ginawa nya. Napansin ko din sa knya na pag galit ako parang natatawa pa ung mukha nya at di ako siniseryoso. Na sstress na kasi ako kasi 2 na kami ng hubby ko ang nagsasaway sa kanya palagi at nakokonsensya nadin ako pag madalas ko sya masigawan at mapalo kapag may ginagawa syang bad.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời