labor experience. my experience. advise
Sà manganganak pa: Sabi ng midwife, ng nanay, ng OB ko. Ang tamang pag iri daw ay Yung parang constipated Ka, sa baba, sa tiyan. So Kung makajebs ka habang nagpupush, Tama Ang ire mo. Mataas Ang chance na normal Ang delivery mo. Im sharing this Kasi I failed. Yung ire ko sa leeg at namula mukha ko, which is Mali. Parang pinipigilan ko makajebs. Natakot din ako baka mag shoot up BP ko at natakot ako sa sakit kaya emergency CS ako Kasi si baby Ang nakajebs sa loob. Kaya mga sis, tibayan nyo loob nyo, Ang sakit sandali Lang Yan. Galaw galaw. Walk. Dance. As early as allowed by your medical provider. First baby mo? Sa hospital Ka manganak. In case my problem, deretso na. Im sharing this para at least may matulungan ako at mabawasan Yung guilt ko sa sarili ko na di ko nakayang inormal SI baby. Nag lying-in pa ako but I was rushed to the hospital 5 hours after my water broke. Buti na lang may sasakyan kAmi at early morning, walang traffic. Otherwise, di ko mapapatawad sarili ko if may nagyari sa anak ko. Pero God is Good. My baby is 3 months old na. He was confined sa NICU for 7 days Kasi balot na xa ng jebs pglabas nya. So sis, mabuti na Ang nakakasigurado.