Alternative sa maternal milk?
9 weeks pregnant and nasusuka ako after uminom ng maternal milk, pwede po kayang fresh milk or full cream milk as alternative? Also, im taking folic acid. No other vitamins. Thank you!
share ko lang exp ko, unang gatas ko kasi noon anmum kaya lang for some reason lalo lang ako nahihilo at nasusuka sa lasa lalo na nung 1st trimester ko. kaya di rin ako gaano nakainom daily pero ibang gatas like yung nasa 1L carton umiinom naman me. nung niresetahan ako ng enfamama ng bago kong ob, nagustuhan ko siya, walang hilo effect after uminom hehe. baka hiyangan din tayo sa milk mommy. if gusto mo talaga mag maternal milk try mo ibang brands 😊
Đọc thêmIba po kasi content ng maternal milk sa others which is intended talaga sa need ng mommy at growing baby, try ka po kaya mg iba ng flavor 🥰 suggestion lng po
sabi dati ng oby ko, basta milk like bear brand, alaska, mga ganun, khit hindi Mat. milk ok lang basta gatas, sa 1st born ko ayaw ko nyan,nakakasuka ung lasa.
fresh milk pwede. pero pwede naman pong wala kc by 2nd trimester reresetahan kna ng calcium. ako kc nagmilk nung 8mos na. pero okay naman CAS ni baby.
yes po, pwede ang fresh milk, Yan din reco ni Ob sa akin noong di ko nagustuhan ang lasa ng Enfamama.
Sa case ko since lactose intolerant me, suggest ng ob ko almond or soy kung gusto ko talaga mag milk.
ayoko din ng milk, pero ung bonina na reco ng OB ko kaya ko inumin. wala syang lasa at amoy anggo.
depende sis kung ano sabi ng ob mo na inumin mo..kc sakin fresh milk ung suggest niya na inumin ko
prenagen na try nyo po? yung choco ayaw ko kase ng anmum
non fat milk po inumin mo po more on calcium po un.