Polycystic Ovary After Child Birth

8months PP CS Pumping momma Hi mommies. I just discovered na polycystic pala ovaries ko :(. Before I got pregnant, normal naman ang dalaw ko. Then after ko manganak, after 4 months PP I got my first period. Then naloloka ako kasi laging delay yung period ko. Nung kinumpute ko, 42 days na cycle ko unlike noon na 30 days lang. So every month nag PPT ako to check if I'm pregnant. Negative naman. Ngayong May, lumampas na ng 42 days and 1 week, wala parin akong period kaya nagpatingin na ako sa Ob ko, and un, polycystic ovaries daw. She prescribed me a pill na good sa bf. Pang 4th day ko na na umiinom ng pill. So mga inay, may same case ba sa akin dito? How was it? Anong effect nito sa inyo? Kasi ako nag lessen talaga milk out put ko. Kayo po? I just want to know lang po experience nyo. Sorry po napahaba. Thank you ??

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Sakin kasi mommy may PCOS ako from 27 yrs old until prior to pregnancy. I maybe wrong pero ang alam ko kasi and based on experience if you are breastfeeding hindi ka talaga nagkakaron ng menstruation. Breastfeeding is considered as a natural contraceptive din =) i got my menstruation back a year after ko magpabreastfeed. Pagnagkaron ka na talagang humihina na ang milk until eventually mawala na siya. In my case, working mom kasi ako nahihirapan ako na consistently makapagpump while at work hence humina ang milk ko then dun na nga ako nagkaperiod ulit.

Đọc thêm
6y trước

I see. Ang aga ko kasi nagka period Ma. 4 months palang si LO. Until now kahit konti lang nakukuha ko, tinutuloy ko parin yung pump. Sa mga nababasa ko po kasi, humihina milk pag may period then bumabalik pag tapos ng period. Sa akin po kasi Di pa ako nagkakaperiod since April. Pero mahina po talaga. 2oz na po pinaka marami both breast na sya :(