nahimatay

8 mos preggy Muntik na akong mahimatay kanina sa palengke habang bumibili ng mga kelangan sa maliit kong food stall. Sobrang kaba na alam mo uung feeling na mawawalan ka na ng ulirat so todo pakiusap na ako ky ale na kasabayan kong bumili na huwag niya muna akong iwanan dahil feeling ko mahihimatay na ako. At yun nga sobrang lamig na ng lawis ko at unti unti ng dimidilom paningin ko pero sinusubukan ko na lang na huwag talagang tuluyang mahimatay. Ang init kasi sa labas. Di ako nag agahan since bibili lng ng konti at 30 mins lng talaga ako sa palengke tas balik ulet sa bahay. Tapos kakainom ko lng ng gatas at kumain naman ako ng tinapay bago umalis Hindi talaga ako gutom. Pero yun nga... Muntik muntikan ng mawalan ng ulirat.. . Ang hirap #SingleMomToBe

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

naranasan q din yan..ginawa ko umupo ako tpos pumikit ako sandali