Stretch marks
7 months preggy Ito na yung stretch marks ko humahapdi sya paminsan minsan. Nilalagyan ko naman ng moisturiser pero ganon pa rin 😥sabi ng OB ko wag daw lagyan ng oil kaya lotion na lang. Kayo po ba ano nilalagay nyo pag humahapdi?
itong tatlong products ng buds&blooms gamit ko, effective naman. Yung oil and moisturizer cream gngamit ko yan every after bath and yung isa everytime na nangangati maglalagay na ako agad agad para iwas kamot na lang rin kaya hindi rin ako nakakapag kamot. Nilalagay ko yung dalawa maski sa boobs ko inaagapan ko kasi nakikita ko ng nagsusulputan paisa isa yung stretchmarks sa boobs ko pero sa tyan naman wala pa, and hopefully hindi na magkaroon rin hehe.
Đọc thêm7months pregnant here also, second baby pero never pa ko nagkastretch marks gawa ng pregnancy. Though mahilig ako mag lotion kasi, Myra E lotion Moisturizer plus gamit ko. or sa genes din. Since mom ko hindi ganyan yung stretch marks niya lima naman kami magkakapatid. Thankful ako na hindi ako nagkastretch marks kahit na lumalaki ang tiyan natin pagbuntis. Mag moisturize ka lang mommy para iwas itchiness and discomforts sa stretch marks.
Đọc thêmPalmers tummy butter gamit ko yun lang nilalagay ko, ang laki ng tummy ko pero wala panaman akong stretchmarks nag simula ako mag apply nun 4months palang tummy ko inagapan ko talaga bago pako lumaki ng bongga tsaka nakakabawas sya lalo pag ang kati ng tummy ko pag pahid ko nun nawawala na kati kaya din siguro makinis padin tummy ko naiiwasan pag kakamot.
Đọc thêmdepende kapag sobrang kati sobra din kamot mo kahit nattulog kana kinakamot mo padin .at lalo na kung mabaha koko mo kaya sya nagkaka marks.ganun kase ako sa panganay ko kamot ng kamot tas mahaba koko kaya may marks ako sa tyan sa gilid ng dede .pero nawawala din nmn yan kapag matagal masundan first baby.
Đọc thêmnow lang ako nakakita nang stretchmark na humahapdi .. mami sundin mo nalng sabi ni OB mo . baka ang nagkasugat nang very light sa pagkamot mo . gupit ka kuko mami . Malay mo lang mahapdi kasi sugat na maliliit pag napapawisan . alam mona hehe
Try nyo po yung Palmer's Cocoa Butter for stretchmarks sa watsons po available. Gamit ko po sya mula 1st tri hanggang ngayon kahit malaki na tyan ko, so far okay naman, wala pa rin ako stretchmarks sa tyan at 25weeks 😊
akala ko din dati wala akong kamot, nung nanganak na ako aba naglabasan. shookt ako, meron pala😂
8 months sis, di ko naintindihan strech marks ko, one side ang lalaki, sa kabila papalabas palang 🤣 yung tahi ko nung bata pako banat na banat na nawala yung keloid 🤣 wala pako nilalagay nakung ano.
baby boy po siya. 😊
as per my ob po lotion Lang daw po Ang ilagay.. Cetaphil.. wag daw po oil Kasi po mainit at nakakaitim daw po ng tyan.. wag daw po kamutin ..un dw po cause ng stretch marks
yay! true. mine di ako nagkakamot pero may paunti padin, lalo na siguro pag nabanat ng todo 😅
momsh need lang nya ma moisturize ang skin para pag nag stretch ang balat mo iwas kati..ako ang nilalagay ko ung luxxe organic then after saka ako maglalagay ng lotion..
ako anlalaki ng stretch marks ko pero hindi naman makati or mahapdi. saka di ako nangangamba kung mas dumami pa mahalaga healthy bb ko😊
First time mom ❤️