6 Weeks
Hello, 6 weeks po ako pero possible po ba na wala pang baby na makita sa tvs ko? Sabi kasi kanina ng OB repeat tvs kasi result ng una is may lalagyan naman si baby and pagkukunan ng pagkain pero di sya makita dun. Is it possible? Pati dahil po kaya yon sa maliit pa sya?
Nung unang transv ko sis 5wks.ganyan pa din nakita gestational sac plang .. pero nung time na yun binigyan na ako ng pampakapit 2wks ako nagtake .. then after a month nagtransv ulut ako, ayun po healthy baby ba ang nakita ..parang gummy bear na daw kalaki nung time yun ..
Ako nung nag 6wks nakita na sya pero mukang tuldok lang saka may heartbeat narin.. Pero ung friend ko ganyan din ung kanya kaya pinapaulit din TVS niya. Sguro may mga ganyan tlga baka sa liit kaya hndi pa makita..
Ganyan din sakin nung una ko tvs sis 6weeks. Gestational sac pa lang sya. After 2weeks nag repeat tvs may embryo w/hb na sa loob. Prayers for you and your baby :)
Ako sis first tvs ko less than 5weeks wala pang baby .. then bedrest lang. 2nd tvs ko 8weeks and 3days kita na si baby at heartbeat nya 🥰 -11weeks here 😇
Yes xe mliit p xa.. Sken po 1st tym mgpa transV ng 8weeks nkita n agad with heartbeat.. Keep the faith po! By 8-9wks k nlng po ule pa transV pra cgurado..
Yes po. Ganyan din po skin, 6 weeks and 4 days na pero gestational sac lang meron.. after 1 week bedrest, may baby na at heartbeat 😊😊😊
Usually po kasi pag nasa 6weeks sac palang po meron. Hintay nalang po kayo ng another week para po makita na yung heartbeat niya.
Normal lang po yan kasi masyado pang maaga. Ako 6w6d YS/GS lang. Bumalik ako ng 9weeks may heartbeat na. ☺️
Yes possible. Like nung akin 6 weeks pero yolk sac palang ang meron after 1 month may heartbeat na si baby.
Thanks po. Pero ung 1 month po na yun is advice ng doctor nyo yun?
Same sa akin. Pinabalik ako after 1week, tapos ayun nagpakita na si baby. 14weeks now. 😍😍🥰🥰
14weeks now 🥰
Excited to become a mum