sinigang na baboy atbp.
5months preggy and nagsusuka parin ayoko parin ng sinigang na baboy at lahat ng maasim na food actually kahit hndi maasim like tinola,afritada,menudo lhat ng masarap na ulam AYOKO KAININ.. ang kinakain ko lang TOCINO haist? milo na may kanin ang weird...
Nakakasuka lahat talaga ng amoy. Ako nun beef, pork, chicken, isda kaya puro 1. Lugaw na may luya o Plain lugaw sa asin 2. Oatmeal 3. Not oily foods 4. Na hilig ako sa ketchup or kamatis pinapapak 5. Boiled eggs 6. Lumpiang ubod Iwas lang sa chocolate at processed food. Kasi tayo rin mahihirapan if magka gestational diabetes Yung processed food naman daming artificial ingredients na di makakatulong sa Brain development ni baby sa early stages of pregnancy. Although yung pagkasuya ko 3 months lang wala na. So far ngayon balik na ulit ako Nakaka kain nako ng kimchi ulit at grill. Dati bahong baho ako
Đọc thêmMumsh as much as possible iwas po sa food na mataas ang preservatives. Di po healthy ang tocino palagi. Try mo din po mag fruits and vegetables. I know mahirap maglihi kasi ako sobrang selan din and had to give up my work due to hyperemesis gravidarum. Wala akong gusto kahit na anong food. I have lost a lot of weight. Now unti-unti bumabawi. Drink din ng milk and take all your supplements para din kay baby. Tiis tiis po tayo para kay baby.
Đọc thêmsame tau Haha🤣 Ayoko ng karne ng baboy, manok, at isda. lalo na ung pagkain na ginigisa😝,Pag un naamoy ko Susuka tlaga ako ng bonggang-bongga🤣🤣 Nagugulat minsan FIL ko at LIP ko nagsusumuka nako sa CR🤣 naiiyak pako minsan kasi npagod ako magsuka🤣🤣🤣 Gulay lang halos kinakain ko, sa kanin 3 kutsara lang subo, ayaw ko na agad.
Đọc thêmhahaha. ganyan po talaga sis. bawi ka nalang sa fruits 😅 ako dati ayaw ko sa mga malalangsa and ulan na may tomato sauce, nasusuka ako. pero walang ibang ulam at nahihiya ako sa inlaws ko na magreklamo, habang kumakain ako, inom agad ng tubig 😂
mommy tocino is a processed food. .not good for baby. .tiisin nlng po para kay baby ..ako higit isang buwan sky flakes lng..isang pakete buong araw na yun. .
same tayo im 13weeks halos ayoko ng karne parang naddiri ako pati kanin ayoko din ng maasim na food puro ako chocolate any kind basta chocolate flavor
hahaha I feel you momshh aq nga makita kulang Yung ulam lalo na tinola n isda naku po Yung sakit ng ulo ko nasusuka at nahihilo n agad,
same tayo haha talong, tuyo and tocino lang ang halos nakakain ko 1-4 months ko. buti ngayon nakabawi ako. 31 weeks and 6 days na ^_^
Same 😂 ganyan din po ako ayoko po ng maaasim saka masasarap na ulam, mas bet ko pa kainin kanin na may milo 😂
puro mkarne ang sinasbi mo, ok lng kaht d mo kainin yan, basta may fish, vege at fruits, take your supplements.