PCOS
5 years na ko nagpapa alaga sa OB pero still no luck pa rin. Any mommies na nabuntis kahit may PCOS?
Ako po may PCOS. 3 yrs na ata simula nung nalaman ko. Then last year, Oct ako huling nagkamens, then end of December, nag conceive din naman. Partida panay inom ako non everyday wala pahinga. Sabi ng OB ko baka namayat ako. So, diet po siguro at prayers. 😊💙🙏
2015 ko pa nalaman na may pcos ako. Then 2016 nagbuntis ako sa panganay ko. Ng mag 2 ang panganay ko nagplan kami ng hubby ko na sundan na. 1 year din bago kami nakabuo ulit. I'm 14 weeks preggy now. Good luck po makakabuo din po kayo. Tyaga lang at iwas stress.
pcos ako..nag pills ako.. ng 3 months..nasaktuhan dumating si hubby galing abroad .. di ko inaasahan na mabubuntis ako this year.. 😇😇 10 years gap bago ko nabuntis ulit pang second baby ..pray lang..wag mawalan ng paasa.. saka diet wag mapa stress..
ako po may PCOS , last year ko lang po nalaman pero after 6months po na turukan tinigil na tapos pinababalik ako after 3months para magpa ultrasound ulit at malaman kung may pcos pa pero nabuntis na ko . Im 6months pregnant now po ..
My pcos po ako pero preggy pa din po ako :) Iwas lg sa stress sis at puyat ganun din ky hubby mo pra di kayo lalo mahirapan. It took us 3 years din bago mabuo pero puro puyat and stress kasi dati dahil sa work kaya nahirapan :)
I have PCOS din po. After 2 years of being married, nagpawork-up ako. Then 4 mos lang nagbuntis na ako. Sunod na sunod ko lang lahat ng advise ng OB ko and pray lang kami lagi ni hubby. 4 months old na baby namin ngaun.
I have a friend na may pcos. She changed her diet lang. Clean eating and voila she got pregnant. You try watching also Shek's Diary sa youtube, she had pcos ang underwent several treatment. Hope it helps :)
Me po. 4 years na yung PCOS ko nung magbuntis ako. OB made me take Duphaston, 3mos ako nag take. Tsaka diet. Di ko nagawa religiously, pero bumaba nmn ako ng 3kg. By God's grace, mag 3months na si baby. :)
meee! ❤️ Try mo lowcarb or keto diet. nabuntis agad aq within 6months of doing this diet. and sa tvs q meron pa dn aq pcos pero may baby na. second ultrasound q, wala na pcos. :) 32 weeks preggy today
Try po ninyo ni partner magtake ng POWER TRIO (fern d, fern activ at milkca) ng ifern. Safe and proven effective po sa mga may PCOS na gustong mag baby po. Wala naman pong masama kung susubukan po ninyo.