Ano ba itong nararamdaman ko?
5 weeks and 4 days pregnant po ako sa aking 2nd baby, Tanong ko lang kung bakit ako nakakaramdam ng lunggkot. Natatakot ako sa pangalawang pagkakataon ng pag bubuntis ko. Natatakot ako na baka hindi ko na maalagaan yung panganay ko pag lumabas si baby number 2, At sobra akong nalulungkot kapag naiisip ko yon to the point na wala ng tigil ang pag iyak ko. Normal po ba itong ganitong isipin? O baka nakakasama na sa aking pag bubuntis?
Mommy of 1 sunny boy