Dapat ko na bang ikabahala?
5½ months na si LO mga mii pero di pa rin sya marunong dumapa, dapat ko na bang ikabahala to? #firstmom #firstbaby #momworry #FTM
mommy hindi lang tayo mag aantay dapat mag encourage din tayo na ma achieve nila mga milestones nila sa Tamang edad .. hindi rin ibig sabihin e pipilitin natin sila .. baka kasi na oover sa Karga o di kaya hindi naeexercise kaya hindi agad nakadapa si baby.. more tummy time po atleast 3hours in a day kahit putol putol basta maka 3hrs at hindi sa bed... mas maganda sa floor siya tummy time para mas lumakas mga muscles niya Pag sa bed kasi malambot masyado e.. at bili ka ng floormat para safe si baby .. kaya yan ni baby mo mommy🥰 nuod ka din sa YouTube mga Tamang exercise Kay baby at massage
Đọc thêmnot really baka naman may sarili lang syang time. tulungan mo.lang din. nagtutummy time ba sya kahit nung newborn pa lang? mga exercises at play time. dun kasi yan nagsstart madevelop.
yung lo ko date di din sya mkadapa..7months na sya nung mkadapa sya..sa sobrang laki nya at taba di na nya kaya ang katawan nya..ayun nung mg7months natuto din nmn na syang dumapa..
hindi po. may mga bata po talagang mahina ang braso . mi exercise mo po lagi ung braso nya
early pa naman mi. mag tummy time kayo or assist assist mo sya gang matuto