5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭
5 days palang, iyak nko sa baby ko 😭😭😭 3am-9am kami nag gegera, dko malaman ano gsto. Nakacheck na lahat mula diaper, kabag, room temp, hinaplos haplos ko na't lahat lahat 😪 Sobrang hirap pala, 1st time mom. Nakakastress. Ngayon, tinuruan ako ng in-law ko. Feed daw every 2hrs kahit tulog si baby, pero dont forget mag paburp. Ang original routine ko kse, padede pag humingi, then 20mins burp position, kaso pag binabalik ko sa kama, naiyak na hndi ko na malaman ang gsto. Natataranta ako feeling ko wala akong kwentang ina. Send help please 😣 Struggle ko pag nasinok, feeling ko uncomfy sya or baka hndi nakakahinga, tsaka lungad din and burping session minsan ayaw makisama magburp. Haaay! #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls
hi momsh.. i feel you.. ganyan din po ako nung first 3months ni baby.. first time mom din po ako. sobrang struggle is real.. sobrang hirap ko pa mgpabreastfeed non kc inverted yung nipple ko.. halos everyday stress ako.. tapos CS pa ko.. at kami lang ni baby sa house.. kasi every 2weeks lng umuuwi c hubby sa house kc duty sya sa work nya.. deprive ng sleep, kain, at pahinga.. everytime na iiyak c baby non naiiyak din ako.. cguro dahil sa sobrang hirap at awa na din sa sarili ko.. pero i manage to cope up po.. sabi ko sa sarili ko pag hindi ko pinilit matuto walang magtuturo sakin. pag hindi ko pinilit magrecover agad walang magaalaga sa baby namin. kaya pinilit ko yung sarili ko na gumaling agad.. in just one to 2 weeks normal n ko kumilos.. pinilit kong magpadede kahit sobrang sakit.. kasi nakita ko yung iyak ni baby nung kinabag sya dahil puro formula pinadede ko naawa ako. araw araw sinasabi ko sa sarili ko na kaya mo yan! nanay ka na! kaya mo lang yan! kawawa si baby pag di mo kinaya. hanggang sa unti unti nasanay na ko.. pag napapagod o nalulungkot ako tinitingnan ko c baby.. niyayakap ko.. kinikiss ko.. tapos i say thank you po God binigyan mo po ako ng source of strength ko.. ngayon mg8months na c baby nmin.. gnun pa din ang routine ko.. 2weeks andto c hubby, 2weeks kami lang ni baby.. pero i survive po.. we survive.. and counting.. im a full time mom, EBF din c baby ko.. pinilit ko tlgang EBF kc ok lng na masakit mgpadede atleast healthy c baby.. if nakaya ko po, kaya mo din po yan.. minsan kelangan lang po ng konting push.. if walang mgpupush sayo, edi you pull yourself po.. encourage your self po.. and always think about your baby.. kasi pano na c baby if susuko c nanay/mommy diba po? lagi ko po sinasabi na kapag nanay dapat kaya lahat para sa anak..and it works po.. try to make routines po na fit po sayo.. pg natulog c baby pwd k dn po mgpahinga kahit 1hr lang na tulog yan malaking bagay na.. and enjoy motherhood kasi mabilis lang po panahon.. mabilis din sila lumaki.. sa sunod hindi naten namamalayan malaki na si baby.. kea enjoyin din po natin yung time na baby pa sila at all they want is hugs and kisses from us.. plus care and a lot of milk..gudluck sayo momsh.. kaya nyo po yan.. always be thankful.. cause God gave us the biggest blessing we could ever have.. fighting!
Đọc thêmJust gave birth last June 28 via ECS, 2nd baby. Breastfeed s baby and medyo ng struggle dn talaga ako until now, halos walang tulog lagi. (formula kasi si 1st baby) Si baby kpag gabi hindi ngpapalapag, s ibabaw ko natutulog. Ang sakit s katawan, nkakatulog ako ng nkaupo kasi d nman pwede humiga ng flat kasi nsa ibabaw ko s baby. Kapag nman umaga at nsa salas kmi, ntutulog nman sya s crib. Nka aircon kasi s kwarto, so i think nlalamig s baby kya gusto nkadikit lng skin. Kahit kasi balutin ko sya ng mabuti at lgyan ng mga unan s paligid ayaw nya p dn, kklapag ko lng gising n agad at iiyak. Minsan kpag nhihilo n ako s antok, lmalabas kmi s salas. Nkakatulog n sya s crib, nkka idlip dn ako kahit papano. Ng aadjust p po kasi s baby kaya cguro ganyan, mhhanap nyo dn po routine n best suited kay baby. Don't give up, mahirap po tlga. Nkakaiyak na nkaka frustrate po minsan, totoo yun. Importante po n mpa burp s baby pra hindi kabagin. Ung pagsinok po normal lng daw according s Pedia n baby ko, ipa burp position daw po kpag ganun. Kya mo po yan, kya ntin to. Pra kay baby. ❤ D ko kasi npa breastfed 1st baby ko kya i make it my goal n breastmilk dapat inumin n bunso. Tiis tiis lang, kahit npapa ouch n ko everytime mag suck s baby go lang. Still learning s tamang breasfeeding position na akma smin n baby. Good luck Mommy, kya mo yan. Godbless you and baby. 🤱
Đọc thêmhi momshie, same here first time mom din po ako. and same din po tayo kung naiyak si baby Ng sobra, Tama po sila kailangan padedein mo si baby kapag nasinok, and normal Lang po yan kasi new born palang sya. o di kaya lagyan mo Ng maliit na papel ung noo nya (kasabihan Ng mga matatanda para sa sinok Kung di madaan sa Dede 😁). saka momshie maglagay ka din po Ng aceite Manzanilla sa tyan ni baby mu para maka utot sya iwas kabag. always burp mo din po sya. haplusin nyo po ung likod ni baby para makaburp sabay Sabi sakanya na-burp burp burp para masanay din po sya. Ganyan ginagawa ko ke baby sinasabi ko para sa susunod eh Alam na nya pumwesto ☺️ . o kaya momshie check mo din Yung damit nya baka may langgam o may kumagat sakanya. white Muna na damit Ang ipagamit mo sknya momshie para Makita mo Kung may insecto. ☺️
Đọc thêmHello momsh. First time mom here din. 25 days palang baby ko. Yung sa sinok nya, pinaka magandang solution dyan based sa experience ko, ay padedehin sya. Ang bilis mawala mga 2 to 3 seconds lang na nadede sakin, wala agad sinok ng baby ko. Every 2 to 3 hrs talaga ang padede po momsh. Yung baby ko kasi nagigising talaga sya every 2 hrs para dumede. Pero nung 1st to 2nd day namin talagang deretso tulog nya. Kaya pag ganun, talagang gigisingin mo po sya. Tapos sobrang importante talaga ng pagburp. Try mo magpaburp habang sinasayaw sayaw mo sya momsh. Mas madali kasi sila dumighay pag nagagalaw galaw at naiipit ipit yung tyan kesa magpaburp na nakaupo ka po. Based lang din sa experience ko.
Đọc thêmTama yung every 2 hours padedehin. Hihinto sa pag dede ang baby kapag busog na siya. Yung pagpaburp, pwede isampa mo yung tyan niya sa balikat mo or sa dibdib. Umiiyak si baby kasi ayaw niya mawalay sa nanay niya, naninibago pa siya sa buhay na wala sa loob ng tyan. Yung ginagawa ko nakasandal ako ng upo tapos pinapatulog ko sa dibdib ko baby ko, nakadapa siya sa dibdib ko, nakabantay lang ako kasi hindi ideal magpatulog ng nakadapa. Normal yung sinok (at baheng) sabi ni Pedia, reflex daw yun, sign na okay si baby. Yung lungad normal lang yun. Nakaburp man o hindi, ang importante wag mo ihiga kaagad after dumede.
Đọc thêmWelcome po. The fact na nagaalala ka na baka nagkukulang ibig sabihin lang nun mabuti kang ina. May mga baby na mahirap talaga matulog, try mo lang mag offer ng different ways na kahihimbingan niya, kung ayaw patulugin sa dibdib, pwede namang iswaddle, o di kaya tulad ginagawa ng friend ko, nakatulog sa arms niya habang karga, pinapatong niya lang sa unan para di siya mangawit. Observe mo rin yung waking at sleeping hours niya baka kaya hindi pa natutulog kasi hindi inaantok. Iiyak ang baby kasi bored siya, hobby niya dumede pero hindi naman pwede ma over feed, kaya hanap ka ways para mapatahan siya, ihele mo, patugtugan, mga ganon. Kaya mo yan momsh!
Baka rn nay kabag, check i love you massage, nakakatulong cia na mautot c baby. At impt tlg mapa-burp c baby after feeding uncomfy cla kapag hindi nagbaburp. Ganyan dn kase c baby dati iyak ng iyak sa madaling araw. And think of it na hindi naman forever ganyan c baby lilipas dn yan at masasanay dn cia outside womb. Dumating dn ako sa point na nahihirapan na pero with the help of hubby nagkaron na kame ng routine kay baby ngayon 2months old na cia. Hindi na cia madalas umiiyak minsan nag sleep na cia ng kanya dati kase kada gising iyak at papatulugin. At may sleep routine n rn cia sa gabi.
Đọc thêmthank you mommy! tonight, medyo kalmado. sarap sa feeling na hndi sya masyado nag iiyak kasi alam kong lahat ng needs nya nabigay ko. 🤗 Nakakalakas ng loob. buti may ganito App, nandito kayo 💕
it's okay mommy lahat ng first time mom napagdaanan yan maski sa pangalawa pangatlo and so on. just enjoy the process at wag masyado paka stress. normal lang na naiyak sya once na binaba mo pagkaburp nya kasi hinahanap nya init ng katawan mo nasanay sa temperature ng katawan natin. pwede mo sya i swaddle hanggang di pa sya nakakapag adjust. and always trust your gut feeling at instincts bilang ina. and isa pa never ever na sabihin na wala ka kwenta ina you're doing great sa pag iisip pa lang kung paano pa i improved sarili mo okay na yun. ingat
Đọc thêmhindi ako makapag advice momhs 😔 hindi kasi iyakin si baby ko. pero kaya mo po yan, hinge ka lang parati ng lakas ng loob kay GOD at laksan mo loob mo wag mo po isipin na wala kang kwentang ina dahil kailangan ka ng baby mo. hinge ka din po help sa nanay mo po para matulongan ka if ano gagawin kay baby pero kung subrang iyak na po talaga ni baby at hindi na tumitigil patignan mo na po sa pedia baka kasi may nararamdaman po si baby eh.
Đọc thêmsame tayo mamsh. first time mom din ako. at 14 weeks si baby. ang schedule din namin 4am- 10am or minsan inaabot pa ng 12pm hanggang sa di ko na alam gagawin. pero after nun halos tulog na sya maghapon, pagising gising nalang para dumede pero minsan lagpas 3hrs na tulog padin. hirap din ako sa pagburp kase minsan tulog na sya pag tinatry ko ipaburp nagigising kaya dede ulit. hehe. kaya natin to mamsh
Đọc thêmhi momsh try mu sya iskin to skin baka hinahanap nya un yakap... wag ka po magalala... mas ok po umiyak c baby ng morning para un lungs nya napapractice... wag lng iyak ng iyak sa gabi... pagmagbuburp po sya haplos lng po ng onti sa likod... wag ka po masyado magworry kase po jan naguumpisa un postpartrum
Đọc thêm
mommy of erol caile