Hirap gisingin para e BF
5 days old na si Baby Girl. Pero may napapansin ako sa kanya na ang hirap nya gisingin para dumede. Noong nasa hospital advice lagi padedein si Baby every 3-4hours. Ngayon, ang hirap nya gisingin para mag dede. Breastfeed/First time mom. Nag woworry ako na ndi cya mapadede ng tamang oras. Like kahapon, Before mag punta sa pedia for vaccine napa dede ko cya, tapos pag uwi tulog na cya maghapon, tapos napadede lang ulit before bumalik sa pedia. Kinagabihan, naka dede cya from 8-11Pm ng mga 4 times. Ang namonitor ko time sa pag dede is yung 11:02 nag start mag dede cya tapos 11:13PM cya natapos. After nun hanggang ngayon 3Am ng madaling araw, tulog lang cya. Hindi ko pa rin ulit napapa dede. Any advice po? Minsan nalilito ako if tama ba or ano dapat gawin? Since first time mom.