PUSO NG SAGING

5 Dahilan Kung Bakit Magandang Kainin Ang Puso Ng Saging Kapag Buntis! Buntis ka man o hindi ay talagang napaka-healthy kainin ng puso ng saging. Hindi mo man karaniwang maririnig sa mga listahan ng mga pagkaing kinakain dapat ng mga nagdadalang tao, ngunit ito pala ay napakagandang kainin kapag nagbubuntis. Bago niyo alamin ang mga benepisyo nito, ito ang tinataglay na nutrisyon ng puso ng saging: fiber, protein, fat, iron, carbohydrates, calcium, copper at potassium. Samantala, narito ang mga benepisyong naibibigay sa mga buntis. 1. Pampadami ng gatas ng ina Bilang isang ina, dapat ay kailangan mong planuhin kung paano mo mapapadami ang iyong gatas para mas lumaking healthy si baby. Maaaring kumain ng puso ng saging habang nagbubuntis upang dumami ang supply ng gatas ng ina bago pa man at matapos manganak. 2. Binabawasan ang morning s!ckness Halos karamihan sa mga buntis ay nakakaranas ng morning s!ckness, ito ay isang kondisyong napaka- unkomportable. Sa pagkain ng puso ng saging, maiiwasan ang pagduduwal at pagsusuka na maaaring makasama ng iyong pakiramdam. 3. Maiwasan ang kakulangan sa bitamina Gaya ng saging, ang puso ng saging nito ay mayaman din sa nutrisyon na para sa iyong baby. Pinupunan nito ang mga pangangailangang bitamina ng iyong sanggol sa sinapupunan. Benepisyal rin ito sa ina dahil nagtataglay ito ng mga bitaminang nakakatulong sa malusog na pagbubuntis. 4. Panlaban sa anemia Ang iron ang isa sa mga bitaminang hindi dapat pinapabayaan kapag nagbubuntis dahil ang kakulangan nito ay maaaring mauwi sa anemia. Ang pagkonsumo ng puso ng saging ay magandang paraan upang makakuha ng kinakailangang iron ng katawan. 5. Pampababa ng blo0d sugar Isa sa mga isyu tuwing nagbubuntis ay ang biglaang pagtaas ng blo0d sugar. Upang maiwasan ang ganitong kondisyon ay kumain ng puso ng saging habang binabawasan ang pagkain o intake ng sugar araw-araw. Ang bayabas din ay isang solusyon upang ma-manage ang pagtaas ng blo0d sugar tuwing nagbubuntis. CCTO

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Salamat sa info.