Breast milk

4days old today si baby and super bigat na tlga ng dede ko and sugat sugat na nipples ko, baka may tips naman kayo or technique na gawin para lumabas na talaga tong gatas? Di narin nasasatisfy si baby sa nakukuha nya ata kaya every hour naiyak. Send help mga momsh 🙏🏻🥺 #breastmilk #breastfeedbabies

45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mali pag latch ni lo kaya nagkasugat nipple mu .. applyan mu agad ng nipple nurse para malessen pain at matuyo ang sugat .. safe iapply after magdede ni lo .. 🙋‍♀️

Post reply image

Unli latch lang sis tapos Take ka po sis buds and blooms malunggay capsule para mas lumakas milk production mo 😍 safe since all natural and super effective

Post reply image

normal din ba na nagtatae yung baby kpag nakadidi ky mommy? mag 4 months na baby nmin pero parang may reaction talaga yung tummy ni baby sa breastmilk

day 3 ako nagkaroon ng gatas. nagsugat din nipples ko isang linggo. ginawa ko binilhan ko ng nestogen habang pinapagaling ko nipples ko

Try mo din momsh repolyo lagay mo sa freezer, kapag malamig na lagay mo sa boobies mo nakakabawas ng sakit at hapdi. Ganyan ginagawa ko

try nyo po nipple nurse cream from buds and bloom, super effective po sa akin. then pump po muna kayo hanggat di pa gumagaling sugat nyo po.

2y trước

congrats po! tyaga2 lng po talaga yan momsh! sobrang Saya pag napa-breastfeed mo na c baby!

Ano po magandang breast pump at yung mga gamit. 1st time mom po ako eh. D pa sana ako bibili pero parang need ata iready

gnyan din ako nung una momsh,. msakit na sobra, pero nung dineretso ko magpump every 3 hours everyday nag ok na..

normal lang yan momsh 1 week mo lang po mararanasan yan hapdi sa sugat sa nipples mo after nan wala na.

warm compress po bago mag BF, make sure tama latch ni baby, and pachecj si baby if tounge tie siya.